Magsasaka sa umaga, online macho dancer sa gabi nakapagpundar ng 2M na bahay at mga alahas - The Daily Sentry


Magsasaka sa umaga, online macho dancer sa gabi nakapagpundar ng 2M na bahay at mga alahas







Screencap images from Kapuso Mo, Jessica Soho



Nang magsimula ang krisis sa pandemya na dulot ng COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng kabuhayan.


Ipinagbawal muna ang pagbubukas ng mga negosyo at maging mga opisina upang maiwasan ang pagkahawaan. Kaya naman marami sa atin ay nagkani-kaniyang diskarte sa paghahanap ng trabaho at pagkakakitaan para mairaos ang pangangailangan ng kanyang pamilya. *



Dahil dito, naging tanging paraan lamang ng karamihan ay ang magtrabaho sa loob na lamang ng kani kanilang tahanan na hindi kinakailangan lumabas pa ng bahay.


Isa na dito si Evo Martin na isang magsasaka sa umaga at kumikita naman bilang isang macho dancer sa gabi sa loob lamang ng kanyang kwarto.


At dahil sa laki ng kinikita ni Evo sa pagsasayaw sa harap ng kanyang mga parokyano gamit ang internet, kumikita siya ng 30,000 kada gabi at ang maganda pa dito ay sa loob lamang ng kanyang kwarto nya ito ginagawa.


Isa si Evo sa na-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho, kung saan ibinahagi nya ang kanyang kwento kasama pa ang ibang mga dating nagtatrabaho bilang macho dancer.



Kilala si Evo sa kanyang mga parokyano bilang "Yum Evo" kung saan ay napapanood sya gamit ang Zoom.  *


Screencap images from Kapuso Mo, Jessica Soho



Kwento pa ni Evo, sa laki ng kanyang kinikita dito, nagawa na nyang makabili ng kanilang sariling lupa at pangarap na bahay na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso (P2M) at iba pang mga naipundar gaya ng mga alahas at savings.


Nagsimula lang umano si Evo sa ganitong trabaho dahil sa kanyang kaibigan na nag-engganyo sa kanyang magsayaw via Zoom, o sa pamamagitan ng isang online application kaharap ang mga parokyano.


"Meron akong isang friend na nag-message sa akin kung willing ako mag-perform via Zoom. Okay lang basta sasayaw lang ako." pahayag ni Evo.



"Kumita ako sa isang gabi ng mga P30,000. Sa mga tip pa lang, panalo na. Send niyo muna sa GCash then tsaka ako magsasayaw," aniya.


"OK lang basta sasayaw lang ako dito sa loob ng bahay lang, para safety na rin." 


"Hindi po lahat ng iniisip n'yo sa aming mga macho dancer ay ganito." dagdag pa ng binata. *


Screencap images from Kapuso Mo, Jessica Soho



At gaya ng nabanggit, hindi lamang si Evo ang sumubok sa ganitong larangan. Marami na ding mga dancers ang sumubok sa makabagong pagkakakitaan. 


Naging viral pa nga sa social media ang isa sa sikat na entertainment bar sa bansa, na sila ay naghahanap ng mga bagong dancers at maari itong kumita ng 50K kada buwan.


Ngunit pinabulaanan naman ng management ng kilalang bar na sila ay may hiring o naghahanap ng mga bagong macho dancers.



Ayon naman sa pahayag ang Philippine National Police hinggil dito, hindi naman umano iligal ang ganitong uri ng trabaho. Ngunit nagiging iligal lang daw ito kapag nagsasayaw na sila ng walang saplot sa katawan at iba pang ipinagbabawal sa batas.


"Nagiging illegal lang siya kung nagsasayaw lang siya ng hubad-hubad na pinipilit siya for the purpose of sexual exploitation. Nakikita ko na magiging violation siya sa batas natin dito sa Pilipinas." Pahayag ni PLTCOL. Ivy Castillo, head ng CIDG-PNP.  *


Screencap images from Kapuso Mo, Jessica Soho