Ang pagiging magulang ay isang responsibilidad na hindi dapat tinatakasan. Ito ay isang tungkulin na dapat ay malugod nating tanggapin at pang habangbuhay na dapat gampanan. At higit pang dapat paghusayan kung ang mga anak natin ay mga musmos pa lamang.
Bilang isang magulang, ang kapalaran ng mga anak ay dumedepende rin paminsan sa ating paraan ng pag-gabay.
Tungkulin ng mga magulang na maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak lalo na ang pagmamahal.
Ngunit isang nakalulungkot na tagpo ang nasaksihan sa social media kung saan may magulang na nagawang abandonahin ang kaniyang mga anak. Dalawang paslit na magkapatid ang iniwan sa harap ng isang restaurant sa Valenzuela.
Isang empleyado ng Mang Inasal sa People's Park sa Valenzuela City ang nagbigay paalam sa pamamagitan ng kanyang Facebook post tungkol sa magkapatid na iniwan umano ng kanilang ina sa harap ng nasabing restaurant.
Kitang kita sa mga larawan ang isang batang lalaki na bitbit ang kanyang kapatid sa harap ng restaurant. Galing umano sa Tondo ang mga bata at iniwan daw sila sandali ng kanilang ina upang bumili ng payong ngunit hindi na ito bumalik.
Facebook | Myleen
Ayon sa post ni Myleen, ang mga bata ay nasa harap na ng restaurant, ala-6 pa lang ng umaga. Napansin niyang matagal na silang nakaupo sa gilid nito.
Makalipas pa ang ilang oras, hindi na nakatiis ni Myleen at nilapitan na niya ang mga bata upang kamustahin at tanungin kung nasaan ang kanilang mga magulang.
Ngunit hindi siya sinagot ng mga ito, bagkus ay buhos ng luha ang naging tugon ng mga ito habang sinasabing nais na nilang umuwi ngunit hindi nila alam kung paano.
Facebook | Myleen
“Kung sino man po ang magulang ng mga batang to pakibalikan naman sila. Kawawa yung mga bata kanina pa daw 6 am naghihintay dyan. Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili lang ng payong pero hindi bumalik. Taga TONDO daw po sila. Gusto na nilang umuwe pero hindi nila alam kung pano."
Mabilis na kumalat ang post na ito ni Myleen,
Facebook | Myleen
Kaya naman magkahalong lungkot at pagkadismaya ang naging reaksyon ng libo-libong mga netizens, kung kaya't ganito na lang ang kanilang naging mga komento ukol sa pangyayari.
Wala naman naiulat na update sa post ni Myleen tungkol dito. Kaya marami na lang ang patuloy na nagdarasal na sana ay natulungan na at nasa maayos na kalagayan na ang kawawang magkapatid.
Source: trendypinoy.online
Source: trendypinoy.online