Mag-asawang naglilibot sa Bohol upang mamigay ng bagong bahay sa mga mahihirap, viral sa social media - The Daily Sentry


Mag-asawang naglilibot sa Bohol upang mamigay ng bagong bahay sa mga mahihirap, viral sa social media



Labis na nakakataba ng puso at nakakatuwa ang mga taong nagbibigay at tumutulong sa mga nangangailangan. Ang mga ganitong tao ang mas lalong pinagpapala at binibiyayaan ng Panginoon.
Terrence and Beth Martin / Photo credit: Facebook

Katulad na lamang ng mag-asawang namimigay ng bahay para sa mga mahihirap at ngayon ay viral na sa social media ang kanilang pagtulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Ronal Casil, naglilibot umano sa probinsya ng Bohol ang mag-asawang sina Terrence at Beth Martin upang tumulong sa mga walang tirahan.

Ayon kay Ronald, marami ng natulungan ang mag-asawa at umabot na sa 65 na bahay na ang kanilang naipamigay at gusto pa raw nilang dagdagan ang mga ito.
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil

Bukod sa pamimigay ng bahay ay may mga pinag-aaral din ang mag-asawa.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla,” sabi ni Ronald.

Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil

Bukod sa bahay, namimigay din sila ng “kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang  ikinabu-buhay.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol. 
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan. 

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil
Photo credit: Ronald Casil

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla. 

Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang  ikinabu-buhay. 

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at please Subscribe to A Foreigner in the Philippines!"


***