Lolo ibinebenta ang cellphone para may pangkain at pamasahe pauwi upang makasama ang pamilya - The Daily Sentry


Lolo ibinebenta ang cellphone para may pangkain at pamasahe pauwi upang makasama ang pamilya



Isang matandang lalaki ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens matapos ipost ni Jeric San Juan ang mga larawan nito.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ni Jeric, sinabi nitong ibinebenta umano ng matanda ang kanyang cellphone upang mayroon itong pambili ng pagkain at may magamit siyang pera upang makauwi na sa kanila.

Kwento ni Jeric, habang nagpapa gas raw siya ay lumapit ang matandang lalaki at inaalok na bilhin na ang kanyang cellphone.

Gagamitin raw ng matanda ang pera pambili ng pagkain at pamasahe pauwi ng Pampanga.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Gusto na raw makauwi ng matanda sa kanyang pamilya upang makasama ang mga ito sa darating na pasko.

Dahil wala ring pera si Jeric ay binigyan na lamang niya ng P50 ang matanda upang may pambili ito ng pagkain. 

Hindi naman nabanggit ng netizen kung ano ang pangalan ni lolo. Nakiusap rin si Jeric sa mga madadaanan ang matanda na sana ay tulungan itong makauwi.

Narito ang buong post ni Jeric:

“Habang nag papa gas ako kanina biglang lumapit sakin si tatay. Inalok niya sakin yung Cp niya tinanong ko siya bakit niyo binebenta. Sagot niya sakin pang kaen lang saka pamasahe sana papuntang pampangga. Sagot ko sa kanya wala akong pera tay eto 50pesos pasensya kana pang kaen mo nalang.

Gusto raw nya makasama pamilya niya sa pasko sana makauwe ka nasa along c5 po siya sa my gas station baka madaan niyo tulungan niyo po siya makauwe.”



***
Source: Pulses Pro