Kwelang "Peysmask" na ibinebenta, kina-aaliwan ngayon sa social media. - The Daily Sentry


Kwelang "Peysmask" na ibinebenta, kina-aaliwan ngayon sa social media.



Pandemya, isa sa pinakamabigat na problemang kinakaharap ng buong mundo ngayon. Dulot nito ang malawakang pagpapatupad ng maraming mga alituntunin at panuntunan ng iba't ibang awtoridad ng bawat siyudad upang, mabawasan ang pagkalat ng malubhang sakit.

Isa sa paulit-ulit na mga paalala ay ang ugaliing maghugas ng kamay at gumamit ng alkohol, panatilihin ang distansya mula sa ibang mga tao at higit sa lahat ay ang palaging pagsusuot ng "face mask" at "face shield"


Dahil sa mga patakarang ito, tumaas ang mga pangangailangan ng mga gamit pang-protekta sa kalusugan na talaga namang pinagkakaguluhan sa iba't ibang mga pamilihan. Ngunit di kalaunan ay sumapat na rin ang bilang ng mga produktong ito sa merkado.

Sumabay na rin ang paglabas ng maraming uri ng mga face masks na halos makikita mong ibinibenta kahit saan ka man lumingon. Mayroong mga pang porma, mayroon ding pang isang gamitan lamang at siyempre yung mga rekomendado ng mga eksperto. Lahat ng uri ng mga ito ay mayroon ding iba't ibang mga disenyo na siguradong aangkop sa panlasa ng bawat mamimili.
Larawan mula sa Google

Ngunit sa sobrang dami ng pagpipilian ng uri at disenyo ng mga face masks ngayon, ay siguradong meron at meron kang isang kagigiliwan at matitipuhan. Kagaya na lang ng post ng Facebook page na Bestfriend, makikita ang isang lalaki na suot ang mga kakaibang dinisenyo ng face mask na talaga namang isa sa pinaka-nakakakatawa at nakaka-aliw na disenyong kumakalat ngayon sa social media.

Magmula sa ilong hanggang sa baba ay tila kapani-paniwala ang mga face masks na ito kapag sinuot ng sinuman. Dahil sa husay ng pagkakagawa dito, siguradong aakalain mo na pareho lang ang hitsura ng nguso sa disenyo at nguso ng nagsusuot ng maskara

Larawan mula sa Bestfriend/Facebook

Larawan mula sa Bestfriend/Facebook

Ang isang ito na ipinapakita ang kanyang mga ngipin, ay parang handang handa ng mag sipilyo anytime.
Larawan mula sa Bestfriend/Facebook

Kung pamilyar ka sa pelikulang "Shrek" iispin mong tila dito hango ang disenyong ito. Hindi nga lang kulay berde, pero mula sa pagkakaroon ng malaking ilong hanggang sa pagkahiwa-hiwalay ng ngipin ay nakakatawa din naman ito kagaya ng mga nauna.
Larawan mula sa Bestfriend/Facebook

Ang huling disenyo naman ay halos kapareho na ng hitsura ng baboy. Aba! eh mansanas na lang at kawayan ay lechon na ang dating nito.
Larawan mula sa Bestfriend/Facebook

Tunay ngang napaka-malikhain ng mga tao at nag uumapaw sa ideya pagdating sa mga bagay bagay na nauuso at napapanahon. At hindi rin naman lingid sa kaalaman ng buong mundo na likas sa mga Pilipino ang maging masiyahin sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin.

Kung ikaw ang tatanungin, bibili kaba o magsusuot ng face mask na ito o hindi?


face mask