Kawawang lola, dalawang araw na iniwan ng sariling anak sa ilalim ng lababo. - The Daily Sentry


Kawawang lola, dalawang araw na iniwan ng sariling anak sa ilalim ng lababo.



Iniwan ng isang anak ang kanyang kaawa-awang ina sa ilalim ng lababo ng kanilang bahay sa loob ng dalawang araw na walang pagkain at damit.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Kristine Vargas Tatad sa kanyang Facebook account patungkol sa kanyang mga kapit-bahay na nag-viral kamakailan sa social media at ikinagalit ng libu-libong Pilipino.

Larawan mula sa huffingtenpost.com

Natagpuan ang matandang ina sa ilalim ng lababo na may harang na playwud at container ng tubig.

Sa kabutihang palad, natagpuan ng mabait na kapitbahay ang matandang ginang na nag-iisa sa loob ng kanyang bahay. Ang mga kapitbahay ng kawawang ina ay dumating upang tulungan siya at bigyan ng pagkain at damit dahil kitang kita ang panlalamig nito sa ilalim ng lababo.

Ayon kay Kristine, tinawag siya ng kanyang ina na may dala-dalang tela, at humingi ng tulong na dalhin ang matanda sa bahay ng kanilang kapitbahay. Hindi siya makapaniwala sa pangyayaring ito kaya't ipinahayag din niya ang kanyang saloobin sa anak ng kawawang ginang dahil sa pagiging iresponsable at pagpapabaya nito.

Dumating ang anak ng matandang ginang at hindi itinangging 2 tuwid na araw niyang iniwan ng walang damit, pagkain, at malinis na tubig ang kanyang ina.
Larawan mula sa huffingtenpost.com

Sinubukan nitong ipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang nangyari ngunit hindi ito pinaniwalaan ni Krisitine.

Dagdag pa ng anak na babae na inuuna lang nila ang paglipat ng ibang mga gamit pero wala silang plano na iwanan ang kanyang ina.

Iginiit ni Kristine na ito ay isang malaking pagkakamali at dapat ay ang matandang babae ang binigyan nila ng prayoridad at hindi ang kanilang mga kagamitan.
Larawan mula sa huffingtenpost.com

Larawan mula sa huffingtenpost.com

Bumuhos naman ang mga tulong para sa nasabing lola para sa agaran nitong pagbawi ng lakas.

Narito ang mga naturang post ni Kristine sa kaniyang Facebook account.
                                                                                         Larawan mula sa huffingtenpost.com

Ang kuwentong ito ay naitampok din sa Raffy Tulfo in Action at kaagad na naaksyunan ng programa.

Sabi nga ng karamihan, ang taong marunong magmahal sa kanyang mga magulang ay lubos na pagpapalain ng maykapal. Sana ay hindi na ito mangyari kahit kanino man lalo na sa mga kawawang matatanda.

Source: huffingtenpost.com