Isang prtiong isda para sa buong pamilya! Yan ang tampok kamakialan lamang sa Stand For Truth ng GMA Public Affairs sa kanilang YouTube channel.
Dito ipinakilala ang dalawang pamilya at inilathala ang kasalukuyang problema sa nutrisyon gayundin ang problemang pangkalusugan dulot ng kakulangan sa sapat na pagkain kasabay ng nararanasan nating pand3mya.
Imahe mula Stand for Truth | GMA
Isa sa pamilya na kanilang nakapanayam ay si Manuel Tausa, isang ama na may anim na anak mula Tondo, Manila at isang mangangalakal.
Ayon sa kanya, pinagkakasya lamang nila ng kanyang pamilya ang maliit na kinikita nito sa kanyang pangangalakal ng basura.
Imahe mula Stand for Truth | GMA
Upang sila ay makatipid at mapagkasya ang maliit na kita, una nilang binibili ang bigas at pagkatapos ang matitira ay para sa itlog, bagoong, tuyo at gulay.
Imahe mula Stand for Truth | GMA
“Sinasabi ko lang, magtiis tayo kasi ‘yan lang ang abot-kaya ko eh. Hindi naman tayo puwedeng magnakaw, huhulihin din tayo,” pagsasaad ni Manuel.
Nung araw na iyon, matapos manggaling ng kaniyang asawa na si aling Rosemarie sa feeding program para makalakap ng pandagdag na pagkain ay pinagsaluhan ng maganak sa isang pirasong pritong isda na bigay ng kanilang kapitbahay.
Ang isa sa mga anak ni Manuel ay kulang sa timbang o "underweight" kaya naman matiyagang pumipili sa mga feeding program si aling Rosemarie.
Imahe mula Stand for Truth | GMA
Maliban kay Manuel, may isa pang pamilya mula naman sa Infanta, Quezon ang nakararanas ng hirap sa buhay. Ito ay ang pamilya ni Abegail Molito. Anim din ang kanyang mga anak at hindi din sapat ang mga timbang nila para sa kanilang mga edad.
Naabutan ng grupo ang dalawang taong gulang na anak ni Abegail na umiiyak at naghahanap na ng makakain. Kaya naman makalipas ang ilang sandali ay nanghingi na ito ng pagkain sa kanilang kapitbahay, dala dala ang kanyang plastic na pinggan.
Dahil sa madalas ay wala halos makain sa maghapon ang maganak, ay apektado na rin pati ang isang taong gulang na anak ni Abegail na kung titimbangin ay may bigat lamang na pang-tatlong buwang gulang na sanggol.
Imahe mula Stand for Truth | GMA
Imahe mula Stand for Truth | GMA
“Minsan nakakakain din kami, minsan wala. Minsan sa isang araw na hindi na kami nakakakain, umiiyak lang ako tapos dinadasal ko lang din na sana may taong tumulong sa amin,” pahayag ni Abegail, na kasalukuyang buntis sa pang-anim niyang anak.
Napag-alaman din na pinapalayas na umano sila sa kanilang nirerentahan na bahay dahil sa mahigit isang taon na itong hindi pagbabayad ng kanilang upa.
Ayon sa mga datos na ipinakita, ang mga pamilyang ito ay dalawa lamang mula sa buong bilang ng mga pamilya na nakakaranas ng hirap sa buhay at may mga kakulangan sa wastong pagkain.
Nakakalungkot mang masaksihan ang mga ganitong tagpo ay sana'y magbigay itong leksyon upang mas paghandaan pa ng bawat Pilipino ang pagpapamilya at ang mga pangangailangang pangkalusugan ng kanilang magiging mga anak.
Source: GMA Public Affairs | YouTube