Isang PCG personnel, ibinalik ang pitaka na isang OFW na naglalaman ng 185,000 libong piso at cellphone. - The Daily Sentry


Isang PCG personnel, ibinalik ang pitaka na isang OFW na naglalaman ng 185,000 libong piso at cellphone.



Tila hindi matatawaran ang sunod sunod na pagpapakita ng tapat na serbisyo ng PCG sa ating mga kababayan.

Ang mga PCG o Philippine Coast Guard Personnel na nakatalaga sa ating mga paliparan upang magbigay seguridad, ganun na rin ang pagsisiguro na ang ating mga kababayang OFW ay dumadaan sa maayos na proseso upang maiwasan ang pagpasok ng nakakahawang sakit sa ating bansa.


Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook


Usap usapan ngayong sa socila media ang kabayanihang ginawa ng isa sa mga PCG Personnel na kinilalang si Seaman Second Class (SN2) Ramir Greg Locsin.

Ayon sa naturang post sa facebook page ng Philippine Coast Guard, kahapon Hunyo 2 2021 ay naka-duty umano ang bayaning si Ramir sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kung saan nakatagpo siya at nagsauli ng isang pitaka na naglalaman ng 185,000 libong piso at isang cellular phone sa isang overseas Filipino worker (OFW)

Laking pasasalamat naman ng OFW na kinilalang si Miss Joliza Wanason mula sa Dammam, Saudi Arabia sa magiting na si Ramir.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook


Bukod dito ay pinuri din si SN2 Ramir ng kanilang pinuno na si Commander Jimmy Oliver Vingno ng Task Force Unit Airport One-Stop Shop (OSS) sa NAIA Terminal 1 dahil sa angking katapatan nito at pagpapakita ng integridad.

“SN2 Locsin's dedication to his tasks, professionalism, devotion, and integrity to public service significantly contributed to the pride of this unit and the whole Philippine Coast Guard organization," Pagbabanggit ni Commander Vingno.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook


Hanggang sa ngayon ay patuloy ang pagbibigay saludo at paghanga ng mga netizen sa ginawang kabutihan ni Seaman Second Class Locsin.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook


Nawa'y maging inspirasyon ito sa lahat ng nagseserbisyo sa ating bansa, upang patuloy na mamayani ang katapatan at serbisyong totoo para sa ating mga mamamayan.