Photos courtesy of Facebook @May Artajo |
Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang di magandang karanasan sa isang online seller ng mga piyao o lucky charm na kanyang binilhan kamakailan.
Ayon sa uploader na si May Artajo, nung una ay naging maayos naman ang kanilang pag uusap sa messenger. Nasagot naman ng online seller na kinilalang si Kharen Japanera ang lahat ng kanyang katanungan ukol sa kanyang mga orders. *
Nagkasundo rin ng gabing iyon ang magkabilang panig sa presyo at maging ang shipping fee ay kanilang ring napagkasunduan.
Nagbayad si May sa binigay na Paymaya account ni Kharen nung gabi ding iyon, at agad ding ipinadala ang confirmation sa nasabing online seller.
Kinabukasan ay tinanong ni May si Kharen kung kelan mai papadeliver ang item na kanyang inorder, bagay na hindi agad naitanong sa online seller.
Ngunit tila hindi nagustuhan ni Kharen ang pagtatanong ni May kung kelan ang delivery at sinabi nito sa customer na kagigising lamang nito at kung nagmamadali ito ay ibabalik na lang ang kanyang binayad.
Pinaliwanag pa ng online seller na gabi na umano nagbayad sa kanya si May at hindi naman daw ganun kadali pumila sa LBC at uunahin agad sya sa pila. *
Photos courtesy of Facebook @May Artajo |
Sinabi na lamang ni May na nagtatanong lang naman sya ng status ng delivery ng kanyang order at wala namang masama ang magtanong. Nangako naman si Kharen na mag uutos na lang ng maghahatid sa LBC para maipadala na ang kanilang order.
Ngunit umabot pa ng halos apat na araw ay wala pa din ang kanyang order kaya naman nagfollow up uli si May kay Kharen kung ano na ang update sa kanyang order.
Dito na tuluyang nagalit si Kharen at kung anu ano na ang pinagsasabi kay May. Sinabi ni Kharen na busy daw siya at ibabalik na lamang nito ang binayad ni May.
Umalma naman si May at sinabi nya na nasayang ang oras nila sa paghihintay, at di na sana nagpaasa pa sa kanila na ishi-ship agad ang order.
"Nyek sayang naman yung oras na inantay ho. kayo na nagsabi kahapon po na ishiship na. Sana kung busy sana po hindi na lang nagpaorder po. Inasahan na yan ng friend ko po." sagot ni May sa online seller. *
Photos courtesy of Facebook @May Artajo |
Dito na tuluyang nagkasagutan ang dalawang panig, iginiit ni Kharen na ibabalik ang perang binayad at hinihingi nito ang Gcash account ng customer.
Sinabi pa ni May kay Kharen na, "Nagbibusiness po kayo pero wala pong chaga pumila. Meron palang ganon. Nasayang lang pag aantay namin sana sa iba na lang umorder."
Bagay na ikinagalit muli ni Kharen at sinabi pa nito na magkano lang ang binili ni May sa kanya at maliit lang ang kikitain nito sa customer.
"Hwag mo kong intradahan ng mga ganyan huh magkano lang bibilhin mo at kikitain ko sayo marunong ka pa sakin ayos ka ikaw pumila sa labas lbc at mainit ayos ka magsalita ikaw lang gumanyan sakin pe$te ka." bwelta ng online seller sa naka-initang customer. *
Kalmado lang ang customer at hindi na pinatulan ang online seller bagkus tinawanan na lamang ni May ang mga pagmumura nito na lalo pang ikinagalit ni Kharen.
Hanggang sa nagpadala na nga si Kharen ng video kay May kung saan makikita na nakuha pang magpa-manicure nito at panay p@gmum*ra ang sinabi sa kanyang customer.
Dito na naisipang ishare na lamang ni May ang nasabing video upang maging babala na rin sa iba pang mabibiktima ng online seller na ito.
Agad na nagviral ang video ng palamur@ng online seller at sa ngayon ayon sa mga komento ay nagpalit na din ito ng Facebook account. *