Bumuhos ang luha sa mga mata ng maraming netizens nang mabalitaan ang pinaghalong lungkot at kamanghaan sa kumakalat ngayong pangyayari sa lalawigan ng Cavite.
Laganap ngayon ang post ng Facebook page na Cavite today dahil sa isang jeepney driver na napabalitang inatake sa puso habang minamaneho ang kanyang pampasaherong dyip sakay ang ilang mga pasahero.
Ang nasabing drayber ng dyip ay kinilala bilang si Tatay Pepe, tubong Palumlum, Alfonso Cavite.
Ayon mismo sa kanyang mga pasahero, naganap ang kalunos lunos na pangyayari habang binabaybay nila at ni Tatay Pepe ang kahabaan ng mahogany ave. sa Tagaytay City. Araw ng Lunes, Hunyo 21.
Sa mga huling sandali ng magiting na tsuper ay naipamalas pa nito ang kanyang angking kabutihan.
Image via Cavite Today | Facebook
Image via Cavite Today | Facebook
Bagamat may nararamdaman, pilit nitong minaniobra ang pampasadang dyip at dahan dahang ipinarada sa tapat ng Tagaytay Supreme Court sabay labas sa kanyang bibig na "Hindi ko na kaya"
Kaagad namang tumulong ang mga kapwa nitong jeepney driver upang subukan siyang mailigtas ngunit huli na ang lahat.
Kalaunan ay nagbigay ng update ang Cavite Today sa kanilang naturang post na namaalam na ang drayber na si Taytay Pepe.
Image via Cavite Today | Facebook
Image via Cavite Today | Facebook
Bago pa tuluyang magwakas ang buhay ni mamang tsuper, lubos na nagpasalamat ang isa sa kanyang mga pasahero sa pagmamalasakit na ginawa nito sa kanila.
Ayon dito:
“Bigla kami itinigil ni manong driver sa harap Ng Tagaytay Supreme Court at sinabing; Hindi ko na Kaya!"
"Napaiyak ako! At that time naisip ko Lord tulungan mo si Tatay makauwi pa Ng buhay sa family nya!"
Image via Cavite Today | Facebook
"At salamat Lord buhay pa kami at safe na nakababa! Salamat Tatay! May God bless you!"
Nakakalungkot ispin na ito na pala ang huling salita at huling byahe sa buhay ni tatay Pepe.
Layunin ng uploader lalo na ng nakararami na mailathala sa mga kinauukulan ang pangayayring ito upang ng sa ganun ay matulungan din ang mga naiwang mahal sa buhay ni Tatay Pepe.
Source: Cavite Today | Facebook