Tayong mga Pilipino ay hindi ingles ang pangunahing salita, kaya naman marami sa atin ang mali-mali o ‘barok’ tuwing ginagamit ang lenggwaheng “English.”
Hindi rin lihim sa atin na may mga taong minamaliit o iniinsulto ang mga taong hindi magaling ‘mag-english.’ Dahil dito, ang ilan sa atin ay bumababa ang tingin sa sarili ngunit may ilan naman na ginagawa itong inspirasyon upang maging maayos ang buhay.
Samantala, isang estudyante ang nagbahagi ng kanyang ‘journey’ sa pagkamit ng kanyang pangarap kahit na siya ay mali-mali o barok sa pagsasalita ng ingles.
Sa kanyang Facebook post, ipinagmalaki ni Mimi ang kanyang pagiging Magna Cum Laude kahit na hindi siya magaling mag-ingles.
“I have dyslexia so I often have spelling errors tapos di rin talaga ako magaling sa grammar and syntax so I used to shy away from posting in English,” sabi ni Mimi.
Aminado rin siya na noon ay nahihiya siyang magkamali dahil may mga Pilipinong pumupuna tuwing makakarinig ng ‘barok’ mag-english.
“Nakakahiya kasi magkamali. Nakoo lalo na nung college ako ang daming grammar Nazi! Mga pinoy pamandin hilig din mag correct ng English publicly. Kahit sa TV, punchline lagi ang “barok” mag English,” aniya.
Ngunit simula ng makapag-aral siya sa Japan ay nag-iba ang pananaw ni Mimi. Kwento niya, kahit barok siya magsalita sa salitang Japanese ay hindi siya pinagtatawanan ng mga Hapon.
“Dito, kahit na “barok” ang Japanese ko, no one is laughing at me, no one is judging my intelligence because I cannot speak a language.”
Ngayon ay umabot na sa 63k reactions, 2k comments at 62k shares ang post ni Mimi.
Narito ang kanyang buong post:
““MAGNA CUM LAUDE PERO MALI MALI ANG ENGLISH”
I have dyslexia so I often have spelling errors tapos di rin talaga ako magaling sa grammar and syntax so I used to shy away from posting in English.
Nakakahiya kasi magkamali. Nakoo lalo na nung college ako ang daming grammar Nazi! Mga pinoy pamandin hilig din mag correct ng English publicly. Kahit sa TV, punchline lagi ang “barok” mag English.
Kaya, until recently, I used to equate intelligence with a person’s ability to speak in English.
Things changed as I studied here in Japan and started learning Japanese.
Dito, kahit na “barok” ang Japanese ko, no one is laughing at me, no one is judging my intelligence because I cannot speak a language. If a native speaker of the language I am currently studying is not shaming me, why should Pinoys be shaming English learners?
Kaya ayun, I don’t feel ashamed anymore.
Afterall, the mastery of a language is a factor of many things like time, money, learning challenges, etc.
My intelligence is not measured by how good I am in speaking and writing in English or any language for that matter.
I am writing this to encourage people to be kind to people who commits spelling and grammar errors. YOU DON’T KNOW WHAT HINDERS THEM FROM LEARNING ENGLISH.
If you must, correct someone privately.
We will appreciate it better this way.
And to you dear English learner, please be kind to yourself. English lang yan. Importante, you’re trying, and you’re learning.
Padayon lang.
Best,
Mimi
Magna Cum Laude pero di magaling mag English.
Ps edit: this post is a call for kindness and understanding for people who is not proficient in English. But please, let us also be kind to people who is more comfortable in speaking English.
My main point here is: IT IS NEVER OKAY TO SHAME PEOPLE. Kindness is free, let’s practice it generously.”
Basahin ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Kamila’s 4am Art | Facebook