Deputized personnel na sumita at hinamon ang isang nakabisikleta, suspendido - The Daily Sentry


Deputized personnel na sumita at hinamon ang isang nakabisikleta, suspendido



Noong Abril ay nag-trending ang isang barangay official matapos sabihin na hindi essential ang pagkaing lugaw, ngayon naman ay kumakalat ang video kung saan mapapanood ang isang deputized personnel na nakikipagtalo sa isang naka-bisikleta.
Photo credit to the owner

Sa Facebook video na in-upload ni Cyril Basa, mapapanood at maririnig ang bastos na pagsasalita ng deputized personnel at pilit siyang pinapasama sa kanila.

Ayon sa deputized personnel na si Sonny Enriquez, hindi raw umano Authorized Person Outside Residence (APOR) si Cyril. Ngunit 22-anyos na ang lalaki at nasa loob naman ito ng kanilang residence (subdivision).

Maririnig din si Enriquez na hinamon ang lalaki ng suntukan dahil nagkainitan na ang mga ito.

"Kaya mo na ba ako? Hubarin ko lang uniporme ko," sabi nito.
Photo credit to the owner

Sa Facebook page naman ni Mayor Joric Gacula, ipinaliwang nito ang buong pangyayari at sinabing “ALLOWED ang pag-eehersisyo sa paraan ng NON-CONTACT SPORTS partikular ang pagbibisikleta. Sa katunayan, ako mismo ay patuloy ang paghikayat sa ating mga kababayan na mag-ehersisyo at regular ding nagbibisikleta araw-araw.

Dagdag pa ni Gacula, hindi raw nila tinotolerate ang ipinakitang asal ni Enriquez at gusto na raw sana nila itong tanggalin sa pwesto. 

Ngunit, “ang nasabing kawani ay napag-alamang regular employee pala siya mula pa noong 1994. Dahil sa security of tenure, papatawan muna natin siya ng 3 MONTHS SUSPENSION WITH NO PAY habang umaandar ang imbestigasyon ng ating Human Resources Office.

Panoorin ang video sa ibaba:

Narito naman ang buong post ni Mayor Gacula:

"Sa isang Facebook post ni Cyril Basa kahapon, nakita natin ang pagtatalo sa pagitan niya at ng isang deputized personnel patungkol sa IATF regulations kung mayroon nga bang violation ang mga kabataang nagbibisikleta sa loob ng kanilang subdivision.

Tayo po sa Pamahalaang Bayan ng Taytay ay malinaw ang paninidigan na ALLOWED ang pag-eehersisyo sa paraan ng NON-CONTACT SPORTS partikular ang pagbibisikleta. Sa katunayan, ako mismo ay patuloy ang paghikayat sa ating mga kababayan na mag-ehersisyo at regular ding nagbibisikleta araw-araw.



Kaya naman ngayong araw ay pinagharap natin ang inirereklamong kawani at ang mga kinatawan ng Greenland Homeowners Association sa ating tanggapan kaninang umaga. Napag-alaman natin ang puno't dulo ng pag-aaway at kung bakit nais hulihin ng kawani ang nasabing kabataan.

Mabuti man ang intensyon na ipatupad ang IATF Guidelines sa ilalim ng GCQ, kitang-kita na mali ang pamamaraan na ginawa sa pagpapatupad at pagpapaliwanag sa mga kabataan.

Hindi po natin ito-tolerate ang ganitong pagkakamali. Sa katunayan, nais nating sibakin kaagad sa pwesto ang nasabing kawani ngunit napag-alamang regular employee pala siya mula pa noong 1994. Dahil sa security of tenure, papatawan muna natin siya ng 3 MONTHS SUSPENSION WITH NO PAY habang umaandar ang imbestigasyon ng ating Human Resources Office.

Kung magsampa ng isang formal complaint ang mga apektadong indibidwal para dito ay sisiguruhin nating buo ang ating suporta para hindi na pamarisan ng iba."



***
Source: Facebook