Dahil walang pera, abogado malugod na tinanggap ang isang tali ng alimango na ibinayad sa kanya - The Daily Sentry


Dahil walang pera, abogado malugod na tinanggap ang isang tali ng alimango na ibinayad sa kanya




Photos courtesy of Facebook @NoelAllanBeso and Google


Hindi biro ang maging ng isang abogado. Isa ito sa marangal na trabaho at tulad ng ibang propesyon, isa ito sa mga kailangang serbisyo ng bawat tao lalo na yung mga di nabibigyan ng patas na hustisya sa ating lipunan.


Isa din ito sa mga pinapangarap ng karamihan na maging isang magaling abogado at maging isang tanyag na taga pagtanggol ng mga naapi.  *


Kaya naman hindi matatawaran ang dedikasyon ng pagiging isang abogado bagaman iba't ibang pagsubok ang kanilang kinakaharap ngunit hindi mapapantayan ang tulong at ligaya na naidudulot nila sa kanilang mga nagiging kliyente.


Isa na dito ang kwento ng abogadong ito mula Sorsogon City na kinilalang si Atty. Noel Allen Bose, kung saan ay nakatanggap sya ng isang bungkos na alimango na galing sa kanyang kliyente.


Matapos ang kanilang hearing ng kanyang kliyente, sinabihan si Atty. Bose na wala umano silang pambayad sa kanyang court appearance.


Kaya naman nakiusap na lamang ito sa abogado na kung maaari daw ay ang mga nahuli na lamang nilang mga alimango ang kanilang ipambayad sa kanyang serbisyo.


Wala namang alinlangang tinanggap ni Attty. Bose ang nasabing alok ng kanyang kliyente dahil sino ba naman ang tatanggi sa grasya, lalo pa't napakasarap ng alimango.  *


Photos courtesy of Facebook @NoelAllanBeso


Ibinahagi ng nasabing abogado sa Facebook, ang nakakatuwang engkwentro nito sa kanyang kliyente, at kung bakit siya may hawak na bungkos ng mga alimango sa labas ng court room sa Sorsogon City, at mabilis itong nagviral.


"Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito! Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado." pahayag ni Atty. Bose, na mula pa sa Legazpi, Albay.


"Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino," dagdag pa nito.


Ibinahagi din ni Atty. Bose ang nakakatuwang pag-uusap nila ng kanyang kliyente:


Client: Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sainyo?


Me: Aba, okay lang sakin.


(Inabot nito sa abogado ang kanyang mga nahuling alimango.)


Client: " Salamat po Atty.!"


Me: "..."     *


Photos courtesy of Facebook @NoelAllanBeso