Sa panahon ngayon kung saan ang karamihan ay sadyang nahihrapan sa pag-budget. Isang netizen na si Abby Sarmiento Mendoza ang nagbahagi ng kanilang "Ipon Challenge" na sadyang kinabiliban ng nakararami.
Sa dami nga naman ng gastusin at mahal ng bilihin sa pang araw-araw nating buhay ay sino ba naman ang hindi mamamangha sa pagtitipid ng pamilyang ito.
Image | readerchannel.com
Isang malaking kahon na tila gawa sa salamin kung saan makikita ang nasa loob nito, ang napagdesisyonang gawing alkasnya ng pamilya.
Di' tulad ng tradisyonal na mga lata o "piggy bank" minabuti nila Abby na gumamit ng isang malaking lalagyanan na maikukupara sa parisukat na tambyolo upang mas maeganyo at mas magpursigi silang mag ipon, dahil nakikita nila ang laman at ang progreso ng kanilang perang iniimpok.
Image | readerchannel.com
Image | readerchannel.com
Makalipas ang isang taon, binuksan ng pamilya ang kahon na naglalaman ng sandamakmak na pera at laking gulat na lang ng mga ito nang halos dalawang kama ang mapuno matapos ikalat ang mga naipong kwarta.
Mabilis na kumalat sa social media ang mga litratong ibinahagi ni Abby, kaya naman marami ring mga netizens ang gustong gumaya sa "Ipon Challenge" tulad ng ginawa ng pamilya ni Abby.
Image | readerchannel.com
Ngunit mayroon ding hindi natuwa at nagbigay ng mga paalala sa pamilya.
Narito ang ilang mga komento:
Ang pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina.
Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.
Dahilan para hikayatin ang mga ito na magimpok sa bangko at mag "invest" imbes na magipon ng malaking halaga sa kani-kanilang mga tahanan.
Source: readerchannel.com