Simpleng kasalan sa kabundukan, pinuri ng mga social media netizens. - The Daily Sentry


Simpleng kasalan sa kabundukan, pinuri ng mga social media netizens.



Lubos ang papuri at paghanga ng mga netizens sa viral photos na ito na ibinahagi sa Facebook account ni Kenze Malmis Ponce, isang photographer.

Ayon sa Facebook post ni Kenze Malmis, grabe ang sayang naramdaman ng kanyang pinsan nang sa wakas ay nauwi sa kasalan ang mahigit 11 na taong pagsasama ng nila ng kanyang nobyo.


Kenze Malmis Ponce | Facebook


Labing tatlong taong gulang pa lang si Kenze ay saksi na siya sa pagmamahalan ng magkasintahan, kaagapay nito ang mga karanasan at hirap ng pamumuhay sa kabundukan.

Kaya naman ayon sa kanya, ay maging siya ay naiyak habang kinukunan ang mga magagandang litrato ng mga kagapanan sa nasabing kasalan.

Ngunit bukod sa kwentong ito, mas lalong pinuri ng mga netizen ang naging simpleng pagdaraos ng pagiisang dibdib na ito.

Kenze Malmis Ponce | Facebook

Kenze Malmis Ponce | Facebook


Makikita sa mga litrato ng bagong kasal habang sila ay nakaupo sa harap ng isang simpleng lamesa. Sa ibabaw nito ay kita rin ang kanilang simpleng mga pagkaing inihanda.

Simple lamang rin ang dekorasyong lobo na kulay rosas at nakapalibot sa kanilang tarpaulin background.

Sa gitna naman o sa kanilang harapan ang isang mahabang lamesa kung saan ay nakahanda na rin ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at softdrinks. Dito marahil mauupo ang mga ninong at ninang ng kasal.

Kenze Malmis Ponce | Facebook

Kenze Malmis Ponce | Facebook


Tinatayang dulot ng labis na kasiyahan at pagpupunyagi ang dahilan upang maiyak ang kinasal na pinsan ni Kenze na nakunan niya mismo ng litrato.

Kenze Malmis Ponce | Facebook


Ang mga larawan ng mga napakagandang tanawin na ito at mala paraisong lugar na ito ay hindi nalalayo sa kanilang tahanan na tinatayang malayo sa siyudad at polusyon.

Gamit ang kanyang camera at magandang panahon. Buong pagmamalaking ibinahagi ni Kenze ang mga litratong kuha niya na sadyang magsisilbing magandang alala para sa bagong kasal.

Kenze Malmis Ponce | Facebook


Hindi rin naman nakaligtas sa mga lente ni Kenze ang mga masasayang ngiti sa mga labi ng sing irog habang nagbubukas ang mga ito ng kanilang natanggap na mga regalo.

Kenze Malmis Ponce | Facebook

Kenze Malmis Ponce | Facebook

Ang tunay na pag-ibig ay bihira lamang dumating sa buhay ng isang tao. Kaya naman, kapag nakilala na nila ang isang taong nagpapasaya at kumukumpleto sa kanilang buhay, ay siguradong mauuwi ito sa simbahan o masayang kasalan, simple man o magarbo ang handaan at palatuntunan.