Nagsimulang dumami ang online sellers nang magkaroon ng pand*mya sa buong mundo. Dahil hindi nakakalabas ang mga tao ay umoorder na lamang sila online para sa kanilang mga pangangailangan.
Ito rin ang naging bagong pinagkakakitaan ng mga nawalan ng trabaho. Kahit mahirap ang ganitong uri ng business ay medyo malaki naman ang kitaan basta masipag ka lang at madiskarte.
Ngunit sa ganitong klase ng business ay kailangan din ng oras para sa iyong sarili upang magpahinga at magrelax. Dahil kung aabusin mo ang iyong sarili ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda.
Gaya na lamang sa nakakalungkot na nangyari sa isang online seller na bumigay ang katawan dahil sa sobrang pagod at puyat.
Sa Facebook post ng netizen na si Liezle De Vera Jordan, ibinahagi nito ang nangyari sa kapwa niya online seller na binawian ng buhay dahil hindi na umano kinaya ng kanyang utak at katawan ang sobrang pagod.
Narito ang buong post ng netizen:
“Rest in peace.
Another online seller na naman ang binawian ng buhay sa sobrang pagod. Hindi na nakayanan ng utak.
Sabi ko nga kapag online seller ka, pakiramdam mo hindi ka na normal na tao, na nakatira ka na sa loob ng telepono. Kung may tatlong duda sayo, may isang libo naman ang nagtitiwala sayo. Dun ka lalakas, sa mga naniniwala sayo. Kapag gising mo, cellphone na ang aatupagin mo, may mga buyer kasi tayo na kapag nakabayad na at wala pa ang order nila galit na galit sayo, nakalimutan ng tao ka na kailangan mo din ng konting pahinga, minsan naaapakan na pagkatao mo.
Pero ako, kahit gaano kabastos ng buyer ko, iniintindi ko. Never ako nakipagsalitaan, yung pang unawa ko stretchable katulad ng mga damit ko, pag may misunderstanding sa amin ng buyer ko, pinapagupa ko yung tensyon katulad ng damit ko "lamig tela" kailangan "lamig ulo" palagi. hahahaha ganyan lang, tawa lang!
Alam na alam ni Lord, kung gaano kadami yung pangarap ko, lahat ng stress, pagod, lipas gutom, maghapon magdamag cellphone, iiiyak ko lang yan. Isusumbong ko lang lahat sa kanya, tapos okay na. Lavarnnn na ulit.
Pero ngayon, pansin din ng mga buyer ko, hindi na ako ganon kadalas magpost kasi nadala ako. AYOKO NA MAGKASAKIT. At please lang po sa kapwa ko mga seller, alagaan po natin ang sarili natin. Kapag di na kaya ng katawan, magpahinga. Matulog maghapon wag ma guilty kung di ka kumita ngayon makakabawi din tayo. Alagaan po natin ang mga sarili natin. Puhunan natin yung katawan natin, isip at mga diskrte natin. Kailangan din natin ng break.
Magpagupit,bumili ng laruan ng bata, magjalibi, ganyan lang ang "ME TIME" ko. Kailangan nyo din yan. Magshopping kayo, rewardan ang sarili.
Rest in peace.”
Ayon naman sa isang comment, severe asthma attack raw umano ang nangyari sa online seller.
Sa ngayon ay umabot na sa 10k reactions at 33k shares ang post ng netizen.
Narito naman ang komento ng ilang mga netizens:
***
Source: Liezle De Vera Jordan | Facebook