Photos courtesy of Tiktok csj0807Crystal |
Napansin ng isang netizen ang isang kariton ng mga paninda nyang wooden at native crafts na madalas nating nakikita na hinihila ng isang kalabaw o baka noong tayo at nga bata pa at naging bahagi na nga ng ating kultura.
Ngunit nang lapitan ng netizen ang kariton na may mga dalang wooden crafts, isang matandang lalaki pala ang nagtutulak nito. *
Nakaramdam ng kurot sa puso ang nasabing netizen na si Ms. Crystal Jacinto, na isang businesswoman na may ginintuang puso. Bumaba pa sya sa kanyang SUV upang kausapin ang matanda. Laking gulat ng netizen, dahil akala niya ay may kalabaw na nagtutulak sa kariton nya ngunit wala pala.
In-upload ng netizen sa kanyang social media account ang video kung saan makikita ang sakripisyo ng matandang lalaki upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya.
Dagdag pa ng netizen at uploader ng videong ito, sa paglilibot ni manong na masipag ng kanyang mga paninda sa kahabaan ng Sta. Rosa, Laguna at Alaminos, Batangas, Binanggit din nito sa kanyang caption na sa kariton na rin nakatira ang matanda at kung saan na sya abutan ng dilim, ay doon na rin siya matutulog. *
Photos courtesy of Tiktok csj0807Crystal |
"GRABE! This is no joke.. inuubos nya ang mga paninda bago umuwi.. kung san sya abutan ng gabi dun na sya sa kariton matulog." ani ng netizen na tumulong sa matanda na si Binibing Crystal Jacinto.
Halos pakyawin na ni Crystal ang mga paninda ni Manong at bukod pa diyan ay pinasobrahan pa nya ng cash ang pinambayad kay dito at hindi na nito kinuha pa ang sukli. Makikita sa Tiktok video na likas na matulungin ang negosyanteng netizen na ito.
“Akala ko may kalabaw, wala pala. Mano-mano… Diyos ko, ang hirap-hirap nito… Ang hirap niyan… Nagtutulak talaga siya ang init-init!” dagdag pa ni Crystal sa kanyang video.
Mangiyak-ngiyak si tuwa si manong sa pagkakataong ito at abut-abot ang kanyang pasasalamat sa netizen na nakapansin sa kanya. Bakas ang paghihirap ni Manong sa pagtutulak ng kanyang mga paninda at halos masunog na ang balat nito. *
Photos courtesy of Tiktok csj0807Crystal |
Sa hirap ng buhay ngayon lalo pa at may pandemya tayong kinakaharap, maraming Pilipino ang nawalan ng hanap-buhay.
Ngunit hindi naman magpapahuli ang mag Pilipino pagdating sa mga krisis gaya nito, hahanap at hahanap oa din tayo ng paraan upang kumita ng marangal.
Kanya-kanyang diskarte na lang ang ating mga kababayan upang kumita ng pera. Sa panahong ito ay nasusubok ang kasipagan at katatagan nating mga Pilipino.
At sa mga panahon ding ito, makikita ang diwa ng bayanihan at pakikipag-kapwa ay buhay pa din sa ating mga Pilipino. Agad namang nagviral ang nasabing video at marami ang nagnanais magpaaabot ng tulong kay Manong.
Hinangaan at pinasalamatan din ng mga netizen ang uploader ng nasabing video, dahil sa pagpansin nya sa sakripisyo, pagtitiyaga at kasipagan ng matanda.
Isang biyaya talaga ang makatagpo ng isang taong may ginituan puso na handang tumulong sa kanyang kapwa at magbahagi ng kanyang blessing sa iba. Nakaktaba ng puso panuoorin ang netizen na tumulong kay Manong.
Mabuhay po kayo at nawa ay bumuhos pa lalo sa inyo ang biyaya ng Dios upang marami pa kayong matulungan lalo na ang mga mahihirap sa panahong ng krisis sa pandemya. *
Photos courtesy of Tiktok csj0807Crystal |