Photos courtesy of Facebook @Ton Reario |
Isang netizen na isa ng successful businessman ang nagbahagi ng kanyang nakaka inspire na success story, isang totoong kwento ng tagumpay na nakaka engganyong gayahin lalo ng mga kabataan ngayon.
Kanya ding ibinahagi ang mga pagpupursigi, pagsisikap at sakripisyo na kanyang pinagdaanan bago nya makamit ang mga pangarap sa buhay. *
Ayon sa kwento na ibinahagi ni Mr. Ton Reario sa isang facebook page na Home Buddies na kanyang kinabibilangan, na agad namang nagviral.
Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng binata bago nya nakamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. HIndi din naging sapat na nakapagtapos sya ng pag-aaral dahil tila lagi pa rin kinakapos sa buhay ang kanyang pamilya.
Aminado din si Ton na lumaki siya sa isang mahirap na lugar, at sinikap nyang makapagtapos ng pag-aaral. Napag-aral ang sarili at nagtapos sa isang kilalang unibersidad sa pamamagitan ng sariling pagsisikap.
Ngunit kahit nakatapos sya ng pag-aaral ay hindi pa rin naging sapat ang kanyang kinikita at madalas pa rin na kapusin sa mga gastusin nila sa pang araw-araw noon, kaya naman nagdoble sipag sya para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya. *
Photos courtesy of Facebook @Ton Reario |
Kaya naman nagawa nyang kumuha ng anim na trabaho at nakaya nya itong pagsabay-sabayin. Aniya, "I even worked ng sabay sabay for more than 6 companies all at the same time, (1. researcher 2. korean teacher 3. callcenter 4. events planner 5. emcee) while doing business on the side from 10am to 1AM just to fulfill my dreams."
Bukod sa sipag at tyaga, ay di nya rin nakalimutang humingi ng tulong at gabay sa ating Panginoon kaya naman naging matagumpay siya sa kanyang mga adhikain sa buhay.
At sa loob lamang ng pitong taon, mabilis nyang nakamit ang lahat ng kanyang pinagpaguran at natikman ang bunga nito. Kung dati ay sa Batasan hills lang sila nakatira, ngayon ay taga-Fairview na.
"7 years after, hindi man ito Mansion. Pero malaki pa rin pasasalamat ko sa taas sa binigay nyang pagkakataon na magbago ang buhay ng aking pamilya."
Photos courtesy of Facebook @Ton Reario |
Sa kasalukuyan, kahit pa masasabing matatag na ang kanyang kinalalagyan ngayon, mayroon na syang sariling bahay at lupa at iba pang ari-arian, patuloy pa rin sya sa pagsisipag upang patuloy pa rin nyang mabigyan ang kanyang pamilya ng maaluwal na buhay.
Nais din nyang magsilbing inspirasyon sa ibang tao lalo na sa mga kabataan ngayon na kayang kaya nilang abutin ang kanilang mga pangarap sa maayos at patas na paraan.
"Hindi na rin ako natakot sumubok ng opportunity outside of my comfort zone dahil naisip ko walang wala din nmn ako so anu pa ba ang mawawala. Ang payo ko lang , kung may pangarap ka tuparin at maniwala ka na makukuha mo rin ito. Laban lang kasi there is no overnight success." pahayag ni Ton
Narito pa ang ilan sa mga inspiring words mula sa ating netizen turned successful businessman na si Mr Ton Reario:
"In this time of of trial, There is no elevator to success, you have to take the stairs, be willing to roll up your sleeves, and take action. Sometimes dumarating ang opportunities in our least expected way, God's plan is way better than our plans. You may have a setback, but it is your opportunity for a comeback to learn new skills and unlock your potential.
Lastly, when you are about to quit , always remember your deep why. Mahirap maging mahirap, mahirap din magpayaman, Choose your hardnesss."