Huli Ka! Modus ng isang Bogus Buyer, Ibinunyag ng Delivery Rider - The Daily Sentry


Huli Ka! Modus ng isang Bogus Buyer, Ibinunyag ng Delivery Rider



Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook

Lubhang nakakalungkot isipin na kahit sa panahon ng pandemya at doble ang paghihirap ng karamihan, ay may mga tao pa ding talamak sa panloloko ng kapwa na pawang walang kunsensyang nadarama.

Napapadalas sa ngayon ang hinanakit ng mga delivery riders sa mga natatamo nilang panloloko mula sa mga bogus buyers online. At kahit na ilang beses na itong naibunyag sa balita at social media ay patuloy pa rin ang mga walang-awang buyers sa kanilang hindi magandang gawain.



Tulad na lamang ng nangyari sa isang Food Panda rider na si Jeffrey Salamat, na kamakailan ay nabiktima sa pangalawang pagkakataon ng isang bogus buyer.

Ang modus ng nasabing buyer na ito ay ibinunyag ni Salamat sa kanyang Facebook post upang magbigay babala sa kanyang kapwa riders at upang matigil na din ang panloloko ng buyer at mabigyan ito ng leksyon.

Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook

Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook

Kaniya ding ibinahagi ang mga larawan ng buyer, maging ang kanilang naging transakyon online.



Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook

Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook


Photo credit to Jeffrey Salamat |  Facebook



Narito ang buong kwento ni Salamat:

Post kulang tong taong ito para malaman ang gawain nito lalo na po sa mga food delivery rider na katulad ko...

ang modus po ng taong ito ay oorder ng pagkarami raming pagkain at "PAID ONLINE" na..pero after maideliver rereport nya sa food panda na ala dumating na pagkain sa kanya para marepond at magka sorry voucher sya..

nangyare na sakin 1 time ito nung may 3,sa isang account name na ginagamit nya nagchat ito sakin kung saan dadalin..pero nagulat ako tumawag ang vendor at ayun nga pinacancel..ang malas lng nito dahil kahapon may 8 ay nagorder sya sa mcdo at sakin ulit natapat..malakas ang kutob ko na siya ulit un..kaya pinaghandaan ko na kinuhanan ko sya ng picture at bumalik ako sa mcdo para itanong kung gnun ulit ang ginawa..at d nga ako nagkamali..

after ko maideliver pinacancel ulit nya...kinumpronta ko na tong taong ito pero hnd pa dn natakot!!ang tanong pa nya sakin baka dw ipost ko sya...at yan na nga sisikat kana...may kaya pa naman kayo tapos manloloko lng kau..alalahanin nyo na may pamilya dn ang mga rider na naloloko mo!!!



SourceJeffrey Salamat | Facebook