Photos courtesy of Facebook |
Isang malaking karangalan para sa mga magulang ng isang estudyante mula sa Philippine Science High School (PSHS)- Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na makatanggap ng isang scholarship grant ang kanilang anak mula sa isa sa pinaka prestihiyosong unibersidad sa Amerika at Singapore.
Maging ang paaralan mismo ng dalaga ay labis na natutuwa at ipinagmamalaki ang kanilang mag-aaral na si Maria Charisma Estrella nang nabigyan ito ng pagkakataon upang makapag-aral sa New York University and Yale University- National University of Singapore (NUS) College. *
Na kung tutuusin ay tanging piling-pili na mga mag-aaral lamang at nabibilang sa mga mayayaman na angkan ang maaring makapag-aral dito.
Ngunit dahil sa angking likas ng talino at husay ng mag-aaral na tio ay nabigyan sya ng oportunidad na makapasok sa isa pinakamagaling sa institusyon ng edukasyon sa buong mundo.
Bukod pa dito, hindi pangkaraniwan ang kursong tatahakin ng dalaga, na isang pambihira at napakahirap na kurso sa buong mundo, sa larangan ng Siyensya.
Kabilang ang pamilya ni Estrella sa mga natamaan ng kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya, ngunit hindi ito naging hadlang para sa dalaga na makamit ang kanyang pangarap na maging isang doktor at researcher ng mga bagong kaalaman balang araw.
Nais ipaabot ni Estrella sa kanyang kapwa mag-aaral na ipagpatuloy at unahin nila ang kanilang pag-aaral kahit pa sa gitna ng pandemya. *
Photo courtesy of Facebook |
“To all students who are having a hard time at school or for those who are stressed, tired, burned out, and overall struggling with online class, don’t worry because you’re not alone,” pahayag ni Estrella.
“The struggle is ultimately real with the new setup, not to mention the different environments that are sometimes not really conducive to learning,” dagdag pa nito.
“But I hope that in these lowest times, they get the motivation and drive to take risks, trust the process, and study hard by doing their best,” ani pa ng dalaga sa kanyang kapwa mag-aaral.
Si Estrella ay kabilang sa mga pinakaunang grupo ng mga mag-aaral ng Philippine Science High School - Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Region Campus, kaya naman labis ang kanilang kagalakan sa karangala na hatid ng nasabing mag aaral. *
Photo courtesy of Facebook |
“Congratulations, Maria Charisma P. Estrella, member of the pioneer batch of students of the PSHS-Calabarzon Region Campus, for receiving admission offers from the New York University and Yale University – NUS College!,” pahayag ng pamunuan ng PSHS sa kanilang Facebook account.
“The Philippine Science High School System is proud of you.” dagdag pa nito.
Ayon sa PSHS, inalok ng full scholarship si Estrella sa New York University para sa “dual degree program of BS (Bachelor of Science) Biology at BS Biomolecular Engineering."
Itinatag ang New York University (NYU) mula pa noong 1831, isa rin ito sa pinakamalaki at pinakamataas na kalidad ng edukasyon sa buong Estados Unidos.
“a leader in global education, with more international students and more students studying abroad than any other US university.” ayon sa NYU.
Nakatanggap din si Estrella ng isa pang scholarship mula sa Singapore-based Yale-NUS College “with inclined interest towards Molecular, Cellular and Developmental Biology,” ayon pa sa PSHS.
Nagpa-abot din ng pagbati ang pamunuan ng PSHS sa kanilang unang batch na binubuo ng 82 na mag-aaral ang nakapagtapos mula sa rehiyon ng Calabarzon.
“We are proud of you, Dingas Landas! We hope and pray for your successful journey as men and women of science, technology, and innovation,” dagdag pa nito sa kanilang Facebook post.