Dalawang Paslit, natagpuang natutulog sa kariton na siya mismong tindahan ng kanilang ina. - The Daily Sentry


Dalawang Paslit, natagpuang natutulog sa kariton na siya mismong tindahan ng kanilang ina.



Kahit saang dako ng ating bansa ay marami pa rin sa ating mga kababayan ang salat sa buhay. May ilan pa nga ay tila isang kahig, isang tuka. Karamihan ay kailangang magbabanat ng buto kundi ay wala silang makakain.

Nakakalungkot isipin na ang buhay ng tao ay hindi pantay-pantay, minsan may nasa itaas at minsan nama'y may nasa ibaba.


dalawang paslit na natutulog sa kariton


Tulad na lang ng nasaksihan at ibinahagi ng isang concerned netizen na si Shair Joy Mendelez. Kwento niya, habang siya ay namimili sa Divisoria, ay may nakita siyang dalawang bata na natutulog sa kariton na siya mismong gamit ng kanilang ina habang nagtitinda.

dalawang paslit na natutulog sa kariton


Ayon sa post, mayroong tindang rambutan ang ina ng dalawang bata at ang kanilang ama naman ay nagtitinda rin ng inihaw na mais sa tabi nito. Naawa at nahabag umano si Shair sa kanyang nakita dahil wala umanong halos bumibili rito.

Kaya naman minabuti na lang niyang bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais para na rin makatulong sa pamliya.

Pagpapayo pa ni Shair sa kanyang post, sana raw ay mas piliin natin na bumili sa mga kagaya nila kaysa sa mga naglalakihang supermarket, dahil di hamak na mas malaki ang pangangailangan ng tulad nila.

Marahil ay wala siyang mapag-iwanan at wala siyang ibang maiisip na paraan kaya nakita sa larawan na isinama na lang ng ina ang kanyang dalawang anak sa kanilang pagtitinda sa lansangan.

dalawang paslit na natutulog sa kariton


“Kanina habang namimili ako sa Divisoria. Nakita ko ang isang mag anak na nagtitinda sa bangketa. Ang Nanay nag titinda ng rambutan at ang tatay ay nag titinda ng Mais na inihaw. Habang ang kanilang mga anak ay natutulog sa loob ng kariton na kanilang pinaglalagyan ng panindang rambutan.

“Naawa ako dahil walang halos bumibili kaya nag desisyon akong bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais. Sana mas piliin natin na bumili sa kanila kesa s mga supermarket. Dahil sa supermarket ang may ari nyan ay walang problema sa pera di tulad ng mga nagbebenta sa bangketa na isang kahig isang tuka.”

Heaven Elements | Facebook