9-anyos na bata, araw-araw naglalakad ng 10km para magtrabaho bilang maskot - The Daily Sentry


9-anyos na bata, araw-araw naglalakad ng 10km para magtrabaho bilang maskot



Dahil sa kahirapan ng buhay ay kahit anong uri ng trabaho ay ating papasukin. Kahit na maliit ang kita basta mayroon tayong magagamit upang maitawid sa gutom ang ating pamilya.
Rehan / Screencap from @rhamadii

Minsan, maging ang mga bata ay napipilitang maghanap-buhay para makatulong sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang bata mula sa Jalan Gatot Subroto sa South Kalimantan, Indonesia, na naglalakad ng 10 kilometro papunta sa kanyang pinapasukang trabaho.

Nag-viral sa social media ang mga larawan ng batang si Rehan matapos i-upload ng isang netizen.
Rehan / Screencap from @rhamadii
Rehan / Screencap from @rhamadii

Sa Instagram post na may username na @rhamadii, sinabi nitong maagang gumigising si Rehan dahil malayo ang kanyang kailangang lakarin papunta sa kanyang trabaho.

Si Rehan ay araw-araw naglalakad ng 10 kilometro.

Kailangan abutan ni Rehan ang mga pumapasok sa trabaho ng maaga na siyang kanyang mga itinuturing na customer dahil sa pagiging mascot o street clown.

Ang naturang trabaho ni Rehan ay tagapag-aliw sa mga taong naiipit sa traffic at naiinip tulad ng mga driver at empleyadong papasok sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Rehan, ginagawa niya ito upang makatulong sa kanyang pamilya. Wala umanong permanenteng trabaho ang kanyang ina.

Minsan ang kinikita ng kanyang ina ay pambayad lamang sa renta ng kanilang tinitirahan at kung may matira man ay gagamitin ito para sa mga pangangailangan niya sa kanyang pag-aaral.
Rehan / Screencap from @rhamadii

"The money is not bad. You can buy packaged rice to take home,” sabi ni Rehan.

Upang mas maka-attract pa ng ibang tao ay araw-araw din nagpapalit ng costume si Rehan tulad ng mga cartoon characters na sina Dora, Upin and Ipin, Spongebob Squarepants at marami pang iba.

I rented the head and clothes. I don't know the cost, because my mother pays," sabi ni Rehan habang nagpupunas ng pawis.

Aminado si Rehan na hindi malaki ang kanyang kinikita ngunit masaya na raw siya na nakakatulong siya sa kanyang pamilya.

Tinanong din ang bata kung komportable siya sa kanyang ginagawang trabaho, aniya, masaya naman siya ngunit minsan ay nakakapagod daw ang paglalakad ng 10 kilometro araw-araw.


***
Source: Instragram