74 anyos na lola, patuloy pa din sa pagsisid ng mga barya sa pier upang maitaguyod ang mga apo - The Daily Sentry


74 anyos na lola, patuloy pa din sa pagsisid ng mga barya sa pier upang maitaguyod ang mga apo




Screencap photos from GMA7 Front Row and ABS-CBN



Isang pagpupugay sa tunay na bayani ng ating mga buhay simula pa lang ng tayo ay isilang sa mundong ito, hanggang sa ating pagtanda, nariyan ang ating mga ina.


Tinaguriang “Ilaw ng Tahanan”, ang tanging  taong handang magsakripisyo at ibuwis ang kanyang buhay sa ngalan ng pagmamahal nya sa kanyang mga supling. *



Ang ating mga ina, na laging nariyan, nakaagapay sa kanyang pamilya, laging nakagabay hanggang sa panahon na kaya na nating mabuhay sa sarili nating mga paa.


Ang taong tinatakbuhan natin sa mga panahon na lugmok tayo sa problema at krisis sa buhay. Palaging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga anak at pamilya bago ang sarili.


Mga katangiang naglalarawan sa mga katangian  ng isang ulirang ina, isang buhay na patunay dito ay ang kwento ng isang 74 taong gulang na lola, na si lola Maria Tequillo mula Lucena, Quezon.


Pagsilip pa lang ng liwanag ay maaga nang nagpupunta sa Pier si lola Maria gamit ang kanyang lumang bangka, upang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagsisid ng mga baryang hinahagis ng mga turista sa dagat.



Araw-araw nya itong ginagawa at mag isa nyang tinataguyod ang kanyang mga anak, mga apo at ang kanyang asawang may sakit na sa kanya lamang umaasa. *


Screencap photos from GMA7 Front Row



Nakagawian na ng mga pasahero at mga turista ang maghagis ng barya bilang paggalang at pagpapaalam sa dagat na maging ligtas ang kanilang biyahe. 


Isang kilalang tradisyon na ito ng bawat pasahero ang paghuhulog ng mga barya sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.


Kaya naman dinadagsa ito ng mga maninisid ng barya at isa na nga rito si Lola Maria na isa ng beterana sa paglangoy at pagsisid sa ilalim ng mapanganib na dagat upang makapulot ng barya at maipangtustos sa kanyang mag-anak.



Kumikita si Lola Maria ng halagang P100 hanggang P200 depende sa kung magkano at ilan ang naghuhulog ng barya sa dagat.


Isa si lola sa mga buwis buhay na sumisisid sa maliit na halaga, na lubha ng mapanganib para sa kanyang edad at pangangatawan na kung tutuusin sana ay nasa loob na lamang ng kanilang tahanan at masayang namumuhay kapiling ang kanyang mga apo. *


Screencap photos from ABS-CBN


Ngunit dahil sa  hirap ng buhay ay patuloy pa rin sa paghahanap buhay ang matanda at hindi alintana ang panganib na naka amba at tila ineenjoy na lang ang pagsisisid sa mga barya.


Nagviral ang kwentong ng buhay ni Lola Maria sa social media at maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at komento sa kalagayan ni lola Maria.


Bumuhos ang tulong mula sa mga netizens at maging ang ilang mga kumpanya ay nagbigay ng donasyon kay lola Maria at kanyang pamilya.



Nabigyan din ng bagong bangka at isang maliit na tindahan upang may iba pang pagkakitaan ang matanda. Napaayos nya rin ang kanilang kubo na nasalanta ng mga nagdaang bagyo mula sa mga tulong na natanggap.


Makikita sa mga mata ni lola Maria ang larawan ng katatagan at isang nagpapatunay ng totoong kahulugan ng "ilaw ng tahanan". 


Screencap photos from GMA7 Jessica Soho


Pangarap ni lola Maria ang mapag-aral ang kanyang mga apo upang maiahon sila sa kahirapan at di na maranasan pa ang hirap na pinagdaanan niya.


"Pagmamahal ko sa mga anak ko, ganoon din sa mga apo ko. Kung talagang Hangga't kaya ko tutulungan ko silang tustusan. Hindi ko sila pababayaan, itataguyod ko talaga sila." pahayag ni lola Maria para sa kanyang mga mahal na apo. *