Trabahador na kumikita lamang ng 3K, umaapaw ang tuwa at saya: "Hirap, pero parang 3-milyon nadin ito" - The Daily Sentry


Trabahador na kumikita lamang ng 3K, umaapaw ang tuwa at saya: "Hirap, pero parang 3-milyon nadin ito"



Larawan  mula sa post ni Cassandra Mae Narciso Girasol


Kahit pa sa napakahirap na trabaho at kakapiranggot lang ang naiuuwing sweldo para sa sarili at sa kanilang mga pamilya, umaapaw na kaligayahan na ito para sa mga iilang kababayaan nating mga trabahador ang biyayang natatanggap mula sa pinagpapaguran nila kahit sa maliit lamang na halaga. 


Likas na sa karamihan ng mga Pinoy ang pagiging masipag at pagiging magaling sa kahit ano mang klaseng at larangan ng trabaho, kaya naman kilala ang hanay ng mga manggagawang Pinoy hindi lang dito sa bansa kundo maging saang sulok man ng mundo.  



Katulad nalang ng isang nakakapukaw na pangyayari at reyalidad ang nasaksihan ni Cassandra Mae Narciso Girasol, isang netizen na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kilalang malaking banko dito sa bansa.


Kwento niya sa kanyang naturang post, nang pauwi na siya at habang nasa labas siya ng Security Bank branch, nakita niya ang isang grupo ng mga trabahador na pumipila para mag-withdraw sa kanilang ATM. 


Dito niya narinig ang mga pinag-uusapan ng mga nasabing trabahador tungkol sa laman ng kani-kanilang mga ATM card bilang sahod sa kanilang pagtatrabaho. 


"Kuya1: "Tingnan mo bai/pre oh 3Milyon ang laman ng aking bank account"

Kuya2: "Magkano pala nakuha mo bai/pre?"

Kuya3: "Maraming Zero itong sa akin."

Kuya1: "(with a big smile on his face) Galing naman maraming Zero. Ito talaga ang million."

Kuya2: "3,000 lang pala yan."

Kuya1: "Ang hirap, pero ang laki naman pala ng sahod ko kasi 3,000 din to, para narin itong million."



Kumurot ito sa puso ni Cassandra nang marinig at masaksihan ang mga tawa at tuwa sa mukha ng mga trabahador. At kahit pa para sa iba ay napakaliit nalang ng halaga ng tatlong libong sahod pero para sa ibang tao pasasalamat at kaligayahan na ang naihahatid nito sa kanila, milyon pa.  


Nang dahil sa tagpong siya mismo ang nakakasaksi, nagbigay aral ito para kay Cassandra at maging man sa mga nakakabasa ng kanyang post na maging mapagpapasalamat sa lahat kahit pa sa pinakamaliit na biyaya o halaga na iyong natatanggap araw-araw.


"The lesson here is not how much money they earned kundi kung paano nila ito tinatanggap at binigyang halaga ang bawat piso sa kanilang natatangap na sweldo, at tinaggap nila ito with a big smile. 😊" saad ni Cassandra. 


Tiuruan din siya nito na sa halip na magreklamo dahil sa mga pangyayari, estado or kinakaharap ng buhay ay mas pipiliin niyang i-appreciate ang buhay at mabuhay sa kung anong meron. 


Narito ang kanyang buong post:



I was heading home and waiting for a call outside sa branch when this group of workers from a company was in line to use our ATM . I overheard their conversation 



"Kuya1: "Tingnan mo bai/pre oh 3Milyon ang laman ng aking bank account"


Kuya2: "Magkano pala nakuha mo bai/pre?"


Kuya3: "Maraming Zero itong sa akin."


Kuya1: "(with a big smile on his face) Galing naman maraming Zero. Ito talaga ang million."


Kuya2: "3,000 lang pala yan."


Kuya1: "Ang hirap, pero ang laki naman pala ng sahod ko kasi 3,000 din to, para narin itong million." 


Sobra yung tawa at saya nila, napaka-inosente lang nilang tignan habang masayang pinag-uusapan ang milyon-milyon pera nila sa kanilang bank accounts. Nakakakurot ng puso marining na grabe yung pangarap nila. 


Malaman mong para sa kanila ang 3,000 na sinasahod ay para naring 3-milyon sa kanila na mahirap yung klase ng paghahanapbuhay. Imagine 3,000. 🥺


I  continued watching them from my car and kada-matapos ang isa sa kanilang mag-withdraw ay tinitignan nila tapos magtatawanan sila. Pure na hapiness talaga.🥺😌  


I told myself, I can’t ever complain about my life.We should never complain about our lives. That’s the one thing I’ll always live up for. 


Let us all be grateful even for the small things in life. 💕



Edited: You may find my post as “romanticizing” but im just  describing how i really felt at that moment. I even adore them for being so happy and contented in life. I will always adore them. Always. 💕 


The lesson here is not how much money they earned kundi kung paano nila ito tinatanggap at binigyang halaga ang bawat piso sa kanilang natatangap na sweldo, at tinaggap nila ito with a big smile. 😊


: Ma pa-weelky, by 15th, or monthly man ito nila na sahod still it serves the purpose of giving us a lesson to be grateful.

***

Source:  Cassandra Mae Narciso Girasol

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!