To the Rescue! Delivery Rider Naging Life Saver ng Isang Customer na Inatake ng Asthma - The Daily Sentry


To the Rescue! Delivery Rider Naging Life Saver ng Isang Customer na Inatake ng Asthma



Photo credit to Diane Franchesca | Facebook

Hindi mapagkakaila na isa sa mga in demand na trabaho ngayon ay ang pagiging delivery riders. Isa sila sa mga naging 'frontliners' at 'heroes' ngayong panahon ng pandemya.

At isang ngang delivery rider ang nagpatunay na sila ay tunay na bayani. Siya ay si Ronald Bacani na kamakailan ay nagtrending online dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanyang customer na walang ano mang hinangad o hininging kapalit.


Ang kabayanihan ni Bacani ay ibinahagi ng mismong customer nito na si Diane Francheska Ombac. Sa kanyang Facebook post, ikinwento ni Diane kung paano siya tinulungan ng rider na si Bacani sa pagbili nito ng gamot para sa kanyang sakit na noong oras na iyon ay lubha niyang kinailangan dahil inatake siya diumano ng 'asthma' o hika.

Ayon kay Diane, matapos niyang magpadeliver sa rider, ay bigla na lamang siyang nahirapang huminga. At doon nga ay nagkamali siya ng pagsend ng message sa delivery rider. Ang mensahe ay para dapat sa kapatid niya na inutusan niyang bumili ng gamot.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari at dahil na din diumano sa hirap niya sa panghinga noong panahon na iyon, inakala niya na sa kapatid niya naisend ang text message.

 "Right after makaalis ni kuya, dun na po ako inatake ng asthma kasi medyo maalikabok yung mirror. Ang akala ko po kapatid ko yung na-text ko," aniya.

Photo credit to Diane Franchesca | Facebook


Photo credit to Diane Franchesca | Facebook


To the rescue naman ang rider na si Bacani at agad na ibinili ng gamot si Diane ng hindi na din nagawang magpakilala kung sino siya na nakatanggap ng maling text message.

Agad naman ngviral ang post na iyon ni Diane at maraming netizens ang nagpaabot ng paghanga sa delivery rider.

Nagparating din ng pasasalamat si Bacani kay Diane dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang tulong at mga paghangang natanggap niya online.

Photo credit to Diane Franchesca | Facebook

 Basahin ang kabuuan ng nakakaaliw na kwento ni Diane:

**UPDATE nag reply na si Kuya!!

Thank you sa mga nag help. Yung mga gusto pa mag send ng help, pm me 

—————————



Hello kay Kuya na mabait na na abala sa ka tangahan ko. sorryy hirap na hirap na talaga ko kanina. Akala ko kapatid yung na text ko. Akala ko din siya talaga kaya nung sinabi nyang malayo na siya, di na ko nag reply. Bumalik si kuya binilhan nya ko tapos hindi siningil yung shipping.

Me: nakahiga na nagpa tapik na ko sa kapatid ko sa likod kasi hindi na talaga ko maka hinga.
“bat nag text ka pa sakin na papunta na ko?”

Kapatid ko: Hala shunga ka hindi ako yan oh. Yung driver yan oh.

Na shookt nalang ako then nag text ako agad kay kuya. Pero naka bili na siya.
Kuya padadalhan nalang kita ng pang meryenda mo.

***

Narito naman ang ilan sa mga comments ng netizens:

Photo credit to Diane Franchesca | Facebook




Source:  Diane Francheska | Facebook