Dahil sa kinakaharap nating sitwasyon ngayon at sa hirap ng buhay ay tila palaisipan o maraming konsiderasyon ang iniisip bago tuluyang magpakasal ang isang magkasintahan.
Karamihan sa mga ito ay nangangamba rin dahil kulang sa pinansyal na kakayahan. Ngunit sa kabila nito ay mayroon naman iilan na talagang pursigido at desididong magkaisang dibdib kahit ano pa man ang kinakaharap nating lahat sa ngayon mga panahong ito.
theartikulouno.com
Ang mahalaga ay magkaroon ng basbas ng Diyos ang pagsasama ng dalwang nagmamahalan.
Isa na dito ang kwentong ng isang magkasintahan na napagusapan kamakailan lamang sa social media, dahil sa kabila ng pagiging praktikal nila sa kanilang pagpapakasal ay ginawa pa rin nila itong espesyal na araw at tiniyak na magiging isa sa pinaka hindi malilimutang tagpo sa kanilang buhay.
Ibinahagi ng isang Facebook user na si Gwen Strong ang isang praktikal na paraan ng pagiisang dibdib o pagpapakasal nila ng kanyang kasintahan.
theartikulouno.com
theartikulouno.com
Dahil sa kagustuhang maging legal ang kanilang pagsasama, hindi hinayaan ng dalawa na maging hadlang ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa at ng kanilang pinansyal na estado para lang makapagpakasal.
Ayon kay Gwen ay may anim na taon na rin silang nagsasama ng kanyang nobyo.
Kaya ganun na lang din ang kanilang pagpupursigi na maisakatuparan ang kanilang pagiisang dibdib.
Para hindi na gumastos ng malaking halaga, masusi pinagplanuhan at pinaghandaan ng dalawa ang kanilang simpleng kasalan.
theartikulouno.com
theartikulouno.com
Sa pagkakalahad ni Gwen ay halos 4000 pesos lamang ang kabuuang nagastos nila sa kanilang kasal.
Isa sa nakapagpatipid sa kanilang gastusin ay ang pagdedesisyon na hindi na pagbili pa ng wedding ring bagkus ay pinili nilang gamitin na lang ang kanilang 'promise ring' na suot suot nila mula pa nung sila'y bagong magkasintahan pa lamang.
Pag dating naman sa susuotin ni Gwen na wedding gown ay naging praktikal din ito, dahil imbis na maganda at mamahaling gown ay mas minabuti niyang maghanap na lamang ng puting damit na maganda't nababagay sa okasyon.
Maging ang kanyang magiging mister ay namili lamang din ng simpleng kasuotan.
Wala na ring kinuhang make up artist si Gwen dahil polbo at lipstick lang ay sapat na sa kanya.
Imbis naman na kumuha pa sila ng photographer sa kanilang kasal ay cellphone camera na lamang ang ginamit nila at isa sa kanilang kapamilya lamang ang kumukuha ng mga larawan.
theartikulouno.com
Samantala, ang simpleng kasal ng magkasintahan ay dinaluhan lamang ng kani-kanilang mga pamilya at malapit nilang kaibigan, kaya naman parang isang simpleng salo-salo lang din ang naganap sa kanilang reception.
Kwento ni Gwen, halos tatlong oras lang ang kanilang naging preparasyon para dito at hindi na nila kinailangan pa ng matagal na panahon para paghandaan ang kanilang "Civil Wedding"
Ibinahagi naman ni Gwen na hindi mahalaga sa kanya ang magarbo o engrandeng kasal, dahil ang tanging mahalaga lamang para sa kanya ay maging legal ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.
Isa sa pinaka-mahalaga sa kanila ayon kay Gwen ay ang suporta ng kanilang magulang.
Bunga ng pagiging matipid at praktikal sa kasal ni Gwen, nagawa nilang makapag pundar ng motorsiklong pang negosyo at makapamasyal sa bundok apo para mag hiking.
theartikulouno.com
Sa naturong Bundok ay doon nila ginawa ang kanilang ‘post nuptial photo shoot’ at maging ang kanilang ‘honeymoon’ ngayon na silang dalawa ay legal ng mag-asawa sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.
Paalala ni Gwen sa mga nagbabalak magpakasal na hindi kinakailangan na gumastos ng malaki para lang magpakasal sa taong iyong minamahal.
Simple lang sapat na!
Ang pinaka importante at mahalaga ay kasama mo ang iyong buong pamilya at mahal mo sa buhay habang kinakasal sa taong makakasama mo habang buhay.
Source: theartikulouno.com
Source: theartikulouno.com