Panglinis ng lababo na nabili online, sumabóg sa mukha ng isang mamimili! - The Daily Sentry


Panglinis ng lababo na nabili online, sumabóg sa mukha ng isang mamimili!



Isang paalala sa mga mahilig bumili online at gumamit ng isang bagay na hindi sapat ang iyong kaalalaman para gamitin ito, ang nais iparating ng isang netizen na si Rome Pinai.

Nito lang Marso 27 ay ibinahagi ni Rome sa kanyang Facebook account ang naging karanasan sa isang kemïkal na panglinis ng bara ng tubo at lababo.


Imahe mula Rome Pinai | Facebook


Ilang araw ng umiinda sa sakït at tiyak na hapdïng nararamdaman, dulot ng sûgat sa kanyang mukha at katawan na natamo dahil sa pagsabóg ng nasabing panglinis na kemïkal.

Ayon kay Rome ay sinunod naman niya ang mga direksyon kung paano gamitin ang panlinis. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi lubos akalain ni Rome na ganito ang magiging kahihinatnan niya.

Imahe mula Rome Pinai | Facebook


Imahe mula Rome Pinai | Facebook


Bukod sa simpleng paraan ng paggamit nito na kanyang sinundan ay maganda rin aniya ang mga komento at obserbasyon ng mga nakabili na ng produktong ito.

Palagay ni Rome na hindi sapat ang naging babala sa pakete ng nasabing panglinis na kemïkal kaya ganito ang naging resulta ng subukan niya itong gamitin.

Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang kanyang mga mata.


Imahe mula Rome Pinai | Facebook

Imahe mula Rome Pinai | Facebook

Nabanggit ni Rome sa kanyang Facebook post na sinusubukan niyang tawagan o kontakin ang nagbebenta nito ngunit hindi na niya nailathala kung ito ba ay kanyang nakausap o hindi.

Laking pasalamat na lang niya dahil sa sapat ng suportang nakukuha niya para makaraos sa kanyang kasalukuyang pinagdaraanan.

Sa huli ay isang paalala ang nais ipahatid ni Rome, para sa mga kagaya niyang mahilig magshopping online at nagnanais bumili ng mga ganitong klaseng produkto.

Imahe mula Rome Pinai | Facebook

Imahe mula Rome Pinai | Facebook

Narito ang Facebook post at ilang komento sa kanya ng isang tila eksperto sa larangan ng siyensiya at kimïka.

Imahe mula Rome Pinai | Facebook



Imahe mula Rome Pinai | Facebook


Maari lamang din po na ugaliin nating magtanung-tanong kung sakaling wala tayong masyadong nalalaman sa ating gagamitin nang makaiwas sa anumang disgräsyä