Nagpapanggap na delivery boy ng Shopee, hindi umubra sa alistong customer. - The Daily Sentry


Nagpapanggap na delivery boy ng Shopee, hindi umubra sa alistong customer.



Isang pagpapaalala sa mga online shoppers ang kumakalat ngayon sa social media, dahil ito sa bagong istilo ng mga nagpapanggap na delivery boy upang makapanlok0 ng mga taong madalas mag online shopping.

Sa isang Facepost post, ibinahagi ng netizen na si Jay Jazo ang naging naging karanasan na di umano'y panibagong m0dus ng mga kawatän.



Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook


Bandang alas-2 ng hapon ng may kumatok sa kanilang bahay upang magdeliver ng parcel. Gamit ang supot ng sikat na online shoppping store na Shopee, inaabot ng nagpapanggap na delivery boy ang item sa kanya.

Laking taka nito na tila kulang kulang ang detalye sa naturang padala kumpara sa kadalasang mga nakalakip na impormasyon sa mga item na idinedeliver sa kanila.

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook


Dagdag pa dito ang halagang 3,499 libong piso na nakasulat lang sa supot na kanyang lalong ikinagulat dahil sa wala naman siyang natatandaan na may binili na ganun kamahal.

At dahil kakaiba na ang kanyang pakiwari sa kaharap na delivery boy ay kaagad niyang sinara ang pinto at dali-daling ipinaalam sa kanyang ina at kapatid ang pakiwari sa tao sa harap ng kanilang pamamahay.

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook


Sa kanyang pagbalik, sinabi niya na wala siyang ganitong order kaya naman sinabi na lang ng delivery boy na "cancel na lang sir"

Nang kanilang sundan ang nasabing kawatän, ay napagalaman nilang wala itong motorsiklo na kadalasang gamit ng mga nagdedeliver. At sa may bandang kalayuan ay may nakaabang sa kanyang isa pang lalaki sakay ng isang motorsiklo na nka-short at tsinelas lamang na talaga namang hindi mo pagkakamalang nasa oras ng trabaho.

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook


Sa huli ay laking pasasalamat nito sa Diyos at hinayaan nitong siya mismo ang sumalubong sa nagpanggap na delivery boy dahil kung ang ibang miyembro ng pamilya niya ito ay malamang tinaggap na at binayaran ang package na hindi naman nila inaasahan.

Giit rin nito na hindi niya nilalahat ang mga delivery riders bagkus ay maging mapagmasid na lamang ang lahat, lalo ngayong halos lahat ng tao ay natuto ng mamili online dahil sa mga ipinapatupad na segurid@d para sa ating lahat.

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Narito ang kabuuang Facebook post: 



Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook

Imahe mula Sigaw Ng Bataan | Facebook