Sa panahon ngayon, bagamat tayo'y may pinagdadaanang pandemyä ay patuloy pa rin ang pagtaas ng ilang pangunahing bilihin. At sa kakarampot na kinikita ng isang simpleng mamamayan o empleyado ay halos wala ng natitira sa kanilang pera mula sa kanilang mga sweldo.
Mula sa buwanang singil sa kuryente at iba pang bayarin, hanggang sa mga pagkain na pangaraw-araw nating kailangang bilhin.
Kaya naman marami ang tila nagulat sa Facebook post ng netizen na si Noymi Gonzales mula Bayawan, Negros Oriental.
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Ibinahagi ni Noymi sa kanyang Facebook account ang mga nag mumurahang presyo ng mga sariwang isda sa kanilang palengke sa Bayawan.
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Kung ikukumpara mo ang presyo ng mga isdang ito sa iba't ibang pamilihan sa buong ka-Maynilaan ay sadyang napakababa lamang nito.
Higit pa dun, tinatayang ang mga ito ay di hamak na mas sariwa pa kumpara sa mga nagmamahalang presyo ng isda sa Maynila o maging sa ibang parte ng bansa.
Ito ang nasabing presyo ng mga isda ayon kay Noymi:
Bayawan Market:
Yello fin - 100 to 140 pesos per kilo
Matambaka - 80 to 120 pesos
Galunggong - 60 to 80 pesos
Pusit - 80 to 100 pesos
Flying fish - 50 to 70 pesos
Tamban - 20 to 30 pesos
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Ngunit ang nakakagulat sa Facebook post na ito ni Noymi, ay ang hindi pagbili ng mga mamimili sa palengke ng mga isdang ito.
Ayon kay Noymi, ang mga taga Negrós Oriental o negrósanon daw ay tila namamahalan pa sa mga presyong ito at sinabing halos kalahati daw ang ipinapatong na tubo ng mga negosyante rito.
50 hanggang 60 pesos lamang daw dapat ang bentahan ng isda kaya mas pinili pa nila itong hindi bilhin imbis na tangkilikin ang sa tingin ng iilang netizens ay napa sulit at risonableng presyo na ng mga isda.
Kung meron kang 1000 libong piso at pupunta ka sa pamiihang ito, ay tiyak na may pang ulam na ang iyong buong pamilya ng isang linggo.
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Dagdag pa ni Noymi na hindi lang isda ang mura dito, maging ang mga karne ng manok at baboy ay abot kaya din dito ngunit hindi na niya naisama ang mga presyo at mga larawan nito sa kanyang social media post.
Kaya naman ilang mga netizens na rin ang nagtanong at nagulat sa post na ito ni Noymi na sa kasalukuyan ay may 1.4k reactions, 45 comments at 7.1k Shares
Imahe mula Noymi Gonzales | Facebook
Kung ganito lang sana palagi ang mga presyo ng mga pagkain ay tiyak na hindi na magtitiis ang ilang ordinaryong pilipino sa instant noodles at itlog para maitawid lamang sa gutom ang kanilang mga kumakalam na sikmura.
Higit pa doon, ay mas masustansya pa ang pagkaing maihahain nila sa kanilang mga hapag-kainan.
Sa iyong palagay? Mura nga ba ito o pareho lang sa presyo ng mga isda sa palengkeng pinupuntahan mo?
Source: Noymi Gonzales | Facebook
Source: Noymi Gonzales | Facebook