Photo courtesy of Facebook @Weng Sagario |
Isang ginang mula sa Brgy. Sta, Cruz, Antipolo City ang naglabas ng kanyang hinaing hinggil sa hindi maayos na pagbibigay ng ayuda sa mga residente sa kanilang lugar.
Kwento ng ginang, pumila sya sa kanilang barangay kung saan ay nagbibigayan ng ayuda ayon sa utos ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga kababayan na pansamantalang nahinto sa paghahanap buhay dahil sa extended ECQ. *
Dala ng ginang ang lahat ng dokumento at walang naging problema. Ngunit nang iabot sa kanya ang isang libo, dito na nakaramdam ng mali ang ginang.
Sinabihan sya na isang libo lamang ang matatanggap nya kahit lima sila sa pamilya, tatlo ang kanilang anak. Kaya minabuti ng misis na ito na magtanong mga tauhan ng barangay na namimigay ng ayuda.
Sinabi sa kanya na hindi daw kasama sa mabibigyan ng ayuda ang mga anak nya dahil maliliit pa daw ang mga ito. Hindi niya matanggap ang rason ng mga taga barangay kaya itinuro sya sa Grievance na humahawak ng mga reklamo.
At sa di inaasahang pangyayari, iginiit pa rin ng mga tauhan ng barangay na hindi daw kasama sa ayuda ang mga bata, at dinagdagan na lang siya ng isang libong piso. Hanggang sa tinaasan na sya ng boses at pinagdudur0 pa siya, walang nagawa ang misis. *
Photo courtesy of Facebook @DSWD Region 4A |
Masama ang loob ng ginang dahil sa pangyayari, aniya, parang namamalimos pa sila na hindi naman dapat dahil bigay ito ng pamahalaan. Nais nyang humingi ng tulong sa mga nakakataas dahil sa maling pamamalakad ng iilang mga tao sa kanilang barangay.
Narito ang buong post ng nasabing ginang. Kayo na po ang humusga kung tama ba ang naging trato at pamamalakad ng mga kinauukulan sa kanilang lugar.
"So eto na nga , kakauwe ko lang galing Brgy Sta Cruz .. pagdating ng counter ..
Counter Letter "B"pinakita ko mga dapat ipakita sa kanila sac form another form ulit .. pagdating sa counter mam 1k lang po matatanggap nyu nagulat ako at nagtanong bakit 1k lang po nang may paggalang lapit ka sa GRIEVANCE or tinatawag nilang mga katanungan or reklamo ngayon lumapit ako doon pumila nagfill up na naman ng another form.. *
Photo courtesy of Facebook @Weng Sagario |
Ngayon pagdating sa mga nakaupo doon anung concern mam (babaeng naka-orange) mam tanong ko lang bakit 1k lang po matatanggap ko kase daw hindi kasama mga bata sa mabibigyan ng ayuda maliliit pa daw kakausapin ka ng pinak head ng dswd so eto na nga 1st reklamo ko ..
Nagusap kami mam bakit po 1k lang matatanggap ko mam e 5members po kami sa loob ng bahay 3 anak at 2 kami mag asawa .. yun din naging sagot nya hindi kasama bata sa mabibigyan nang ayuda c panganay pasok dinagdagan ng 1k nila ..
So umupo ako nagtataka pa rin bakit 2k lang sa iba nga na 1 anak 4k ako 2k lang tanong kopa rin sa sarili ko ..ngayon may mga katabi akong inuudyukan ako na ireklamo ko ireklamo ko so lakas loob pa rin ako 2nd time reklamo ayun head pa rin ng dswd nakausap ko galit na sya anu daw nirereklamo ko yun daw ang ibinaba ng dswd sabi ko ng mahinahon ah sabi ko mam anu po bang naging basehan unfair po para sakin na 2k lang at may 3 po akong anak .. *
Mataas na boses nya pero ako kalma pa rin pero sabi sakin nang naka orange na babae head ng dswd lang may kakayahan magdagdag depende sya REASON na tatanggapin nila .. Kaya lakas loob pa rin ako kausapin pa rin c head ng dswd na naka pink na maliit na babae..
Nagagalit sya malaking bagay na daw ang 4k sabi ko opo mam malaking bagay na sa akin yun lalo na at 3 anak ko, laking tulong yan samin.. Anu pa daw nirereklamo ko na may PANDUDUR0 na sakin sabi ko mam wala naman pong problema e kaso bigay ng dswd yan ng gobyerno yan e. Ang lumalabas parang nang mamalim0s ako sabi ko mam hindi ako nagmumukang pera kayang kitain ng asawa ko pero ecq nga po tayo ngayon lahat apektado .. *
Photo courtesy of Facebook @Weng Sagario |
Yung panduduro nya doon ako nagalit , pagsabi ko na mam bakit po kayo nandudur0 sabi nya hindi daw sya nandur0 biglang baba ng kamay nya sa galit mo sakin nagawa mong manduro ng tao imbis na makatulong kayo sa mga tao kayong pang galit dahil sa daming nagrereklamo sa inyo siguro naman may karapatang magsalita dahil yun ang utos ng ating PANGULO tulungan hindi mangungurak0t o ibulsa ..
AYAW NYANG IBIGAY PANGALAN NYA ILANG BESES KO SYANG TINANONG ANUNG PANGALAN NYU MAM SAGOT NYA HIND KO NA DAW KELANGAN ALAMIN ANG PANGALAN NYA .. NATAKOT KAYO BAKA MAKARATING SA KINAUUKULAN GINAWA NYUNG PANDUDUR0 SAKIN ? kaya naniwala nako sa mga nakatanggap ng 1k tapos ilang miyembro sila sa isang pamilya comment kayo kung may mali ba sa ginawa ko ...