Lola nagtitinda ng BBQ stick sa halagang P25 na kita kada araw, mag-isang tinataguyod ang anak na PWD at apo nito - The Daily Sentry


Lola nagtitinda ng BBQ stick sa halagang P25 na kita kada araw, mag-isang tinataguyod ang anak na PWD at apo nito



Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes


Walang makakapantay sa pagmamahal na ibinibigay ng isang ina sa kanyang mga anak. Ang ating ina na nagsisilbing liwanag sa ating madilim na hinaharap lalo na sa oras ng kagipitan.


Ngunit paano na kung ang ating ina ay may katandaan na sa buhay, halos hirap na kumilos at maghanap buhay para sa kanyang mga anak. *


Ito ang kaawa-awang kalagayan ng isang matanda, kasama ang kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip at ang anak nitong bata na halos wala pang dalawang taong gulang. 


Ibinahagi ito ng isang netizen at kapitbahay nya na kinilalang si Marilou Labanes, ibinahagi ni Marilou ang video ng kalagayan ng mag-ina at apo nito.  Lubhang nakakaawa ang kalagayan ng mag-anak na ito.


Tanging si lola lamang ang bumubuhay sa kanila, siya rin ang nag-aasikaso sa pangangailangan nila sa bahay gaya ng pagluluto ng kanilang pagkain, pagsalok ng tubig, maging paghahanap buhay at iba pa.


Kwento ni lola, ang kanyang anak na may sakit sa pag-iisip ay nabuntisan ng di pa nakikilalang lalaki at ngayon ay siya rin ang nag-aalaga dito.


Tanging si lola lang ang nagtataguyod sa kanilang mag-iina at ang kanilang ikinabubuhay ay lamang ay ang pagbebenta ng barbecue sticks na inaalok ni lola sa palengke na. *


Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes


Base sa kwento ni lola, kanyang tinitinda ang mga barbecue sticks sa murang halaga na limang piso bawat isang daang piraso ng barbecue sticks. 


At sa loob ng isang araw ay limang daang piraso lamang ang nagagawa niya at kaya naman 25 pesos lamang ang kanyang kinikita.


Ang napagbentahang pera ay ipinambibili niya ng bigas na mais na kanilang kakainin sa loob ng ilang araw. Kwento pa ni lola, mayroon din namang mabubuting puso na nagbigay sa kanila ng dalawang kilong bigas na pinapakain niya sa kanyang apo at asukal na lamang ang kanilang ulam.


Nais sana ni lola na mabigyan ng maayos na tirahan ang kanyang anak at apo bago man lang siya tumanda ng tuluyan at hindi na makapaghanap buhay.


Sa hirap ng kanilang buhay, minsan nasasabi ni lola na mas maganda pa sigurong mamatay at sa sementeryo na lamang tumira.


Nais ng netizen na si Marilou, na manawagan ng tulong sa mga may mabubuting puso para kay lola at sa kanyang anak na may kapansanan sa pag-iisip at sa kanya ding apo. *


Screencap photos from Youtube @Marilou Labanes