Lettuce na 20 Pesos isang kilo? Lugi ba ang tindero o panalo? - The Daily Sentry


Lettuce na 20 Pesos isang kilo? Lugi ba ang tindero o panalo?



Sa panahon ngayon, bihira sa mga pangunahing bilihin ang hindi nagtataas ng presyo. Kaya naman ang iilan ay sobra sobra ang pagtitipid mapagkasya lamang ang kanilang budget at maitawid ang pangaraw araw na gastusin.

Ganun din ang mga negosyante, kaya naman malabo ng mapagbigyan ang hiling mong "padagdag naman" sa iyong suking tindahan.


Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Pero isang nakagugulat na Facebook post ang aming natagpuan mula kay Novy Del Rosario Afidchao. Ayon kay Novy, isang grupo ng magsasaka ang kanyang natagpuan sa kahabaan ng 2nd highest point, Halsema Highway na nagtitinda ng mga sariwang gulay o Lettuce.

Ang Lettuce o Green Ice na kadalasang ibinebenta sa mga palengke o supermarket sa halagang 120 - 150 pesos kada kalahating kilo, ay nagkakahalaga lamang sa kanila ng 20 pesos isang kilo.

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Dahil dito, hindi na nagatubili si Novy na bumili dahil di hamak na napakamura nito at mas sariwa kumpara sa normal niyang binibili sa merkado.

Sa kalagitnaan ng pagtitimbang ng kanyang mga binili, nagtaka ito ng maobserbahan ang ginagawa ng mga tinderong lalaki.

Agad niya itong pinahinto sa kanilang ginagawa ng mapansin ni Novy na sobra sobra na ng higit sa isang kilo ang mga gulay na tinitimbang mula sa kanyang orihinal na binili.

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


Tila nais at sadya itong ibinibigay ng mga binatilyong tindero kay Novy.

Dinig niya din ang bulungan ng mga ito na ang sabi'y "Awitem iman nan order ma'am santo adim lipatan alaen number nan balasang na adi..."

Para bang nanliligaw ang mga ito sa kasamang dalaga ni Novy dahil kung isasalin sa wikang tagalog ang nabanggit, ang ibig sabihin nito'y,

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook

Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


"Ibigay muna ang order ni maam saka wag mo kalimutan kunin number ng dalaga."

Masaya pa lang nagbibiruanang mga ito habang nagtitinda.

At dahil dito, binigyan ng mababait na mga binatilyo ng anim na kilong Lettuce si Novy ngunit halagang pang 5 kilo lamang ang pinabayaran nila dito.

Hindi na napilit ni Novy na bayaran ang karampatang halaga nito dahil na rin sa lagay ng panahon kaya sila'y dali dali ng umalis.

Sadyang nakakatuwa na may mga mabubuting loob na tindero ng gulay na nagtitinda sa murang halaga, taliwas sa nakakasanayan nating nagmamahalang mga bilihin sa merkado.

Narito ang buong Facebook post ni Novy: 


Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook


 Imahe mula Novy Del Rosario Afidchao | Facebook