Kamakailan lang, nag-viral ang video ng pagtatalo ng isang food delivery driver at ng isang barangay official sa San Jose del Monte Bulacan na hindi umano kasali sa mga essential goods ang "lugaw" na i-dedeliver sana ng food rider sa kanyang customer. Ilang araw matapos ito, isang panibagong video na naman ang usap-usapan ngayon sa social media.
"Kung viral ngayon si lugaw boy, baka eto naman nagviral. Kung makikita ninyo, essential po ung pagkain ko, pagdidiskusyunan po namin ulit kung essential ba talaga yung cake o hindi," ani ng lalaking nasa video na si Terdz Esteban.
Narito ang mga sumunod nangyari:
Mapapanood sa video na hiningian ng pulis ang lalaking may dala ng cake ng proof of order, ngunit hindi na ito naipakita.
Ayon sa pulis, walang traffic violation ang lalaki, ngunit ang nilabag ni Terdz ay violation of quarantine protocol dahil hindi umano essential ang kanyang paglabas.
Dahil sa umiiral na 'enhanced community quarantine' o ECQ, mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang hindi authorized na paglabas ng bahay dahil na din sa biglang pagtaas ng kaso ng C0VlD sa bansa.
Sa isang nakahiwalay na post, nagbigay naman ng pahayag ang lalaki sa video.
"AGAIN TO ADDRESS EVERYONE DIKO PO TINATANGGI UNG PG KAKAMALI KO SA REQUIRED DOCS.. PERO DIKO PO BINASTOS UNG PULIS MAARING MA ANGAS ANG DATing sa inyo pero gnun lng po tlga ako manindigan.
ALAM KO MALI kopo UNG WALANG PROPER CERT ID AT LEGIT COURIER COMPANY ALAM KO PO NA UNG BRGY QUARANTINE PASS KO WOULDNT BE ENOUGH TO PASS THRU INTER CITIES... PERO GUYS ALAM KO REN PANU GUMAWA NG PARAAN PARA DUMISKRTE PARA SA PAMILYA... Diko ugali mag post ng ganto.. alam nio yan. ALAM KO REN UNG POTENTIAL RISK OF DOING SO..