Kailanman ay hindi dapat maging batayan ang estado ng buhay upang makakuha ng respeto at pagmamahal. Anoman ang klaseng pamumuhay mayroon ang isang tao, hindi ito dapat maliitin at ikahiya.
Sa mundong ito ay hindi maiiwasan ang mabigo at matalo sa isang bagay kahit na alam naman natin na ginawa natin ang lahat ng ating makakaya. Ngunit sadyang may mga bagay na hindi nakalaan para sa atin.
Minsan ay nagiging hadlang pa ang ating hanapbuhay o trabaho upang makuha ang ating inaasam-asam.
Katulad na lamang ng isang lalaking na binasted ng kanyang nililigawan dahil isa lamang daw siyang 'service crew.'
Sa Facebook page na ‘Happening in Philippines’, ibinahagi nito ang screenshots ng kwento ni Echo na talaga namang umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Kwento ni Echo, halos limang buwan na rin niyang nililigawan ang kanyang “dream girl.”
Sa loob ng halos limang buwan na iyon ay tanging si Echo lamang daw ang nagtatanong o bumubuhay ng kanilang usapan.
Ayaw naman raw niyang magkwento ng tungkol sa kanyang buhay dahil hindi naman raw nagtatanong ang babae. Pero ayos lang kay Echo yun dahil naiitindihan niyang nanliligaw pa lamang siya.
Nagbibigay rin si Echo ng “handwritten letter with a single rose every Sunday (which is my day-off).”
Ayon kay Echo, after 5 months ay nakaramdam raw siya na mukhang interesado na rin sa kanya ang nililigawan.
Aniya, “Tinatanong na din niya ko if kumain na ‘ko and pinagbabawalan na din ako magpuyat kaka-ML.”
Hanggang sa naglakas loob siyang yayain itong lumabas. Tuwang tuwa naman si Echo dahil pumayag ang babae.
Sa kanilang unang date ay bumili si Echo ng bouquet of flowers at dinala rin niya ito sa mamahaling restaurant.
“Dumating na nga yung araw ng first date namin, that was the very first time na bumili ako ng bouquet of flowers. Dinala ko siya sa isang mamahaling restaurant na kahit mamahalin, pinag-ipunan ko talaga para sa kanya kasi dun siya nasanay.“
Naging masaya raw ang kanilang date at ang buong akala niya at magtutuloy-tuloy na ito. Ngunit pag-uwi niya ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa nililigawan.
“Echo, thank you for this day nag-enjoy ako. But I think this will be our first and last date. Alam mo naman siguro na balak ko mag-law. I think makakasira yun ng image ko if yung partner ko is crew lang ng isang fast food chain. I’m very very sorry Echo.”
Basahin ang buong kwento ni Echo sa ibaba:
“Hi, I just want to share my experience as a suitor of my dream girl.
Nanligaw ako sakanya for almost 5 months. Nasanay ako na ako lagi ang nagtatanong about her and bumubuhay ng conversations namin everyday. Minsan lang ako magshare ng about sa life ko. Because aside from she’s not asking, I don’t feel like she’s interested with my dramas in life or anything about me. Pero okay lang, I’m not demanding naman and I understand manliligaw lang naman niya ako. For the past 5 months, di ko masasabi na nasa Mutual Understanding stage na kami. I’m not complaining ha, I’m just stating the fact. Ako lang kasi tong concern palagi and siya naman nagrereply lang sa mga questions ko at tinatanggap yung binibigay kong handwritten letter with a single rose every Sunday (which is my day-off).
But after 5 months, nakaramdam na ko na she’s interested with me na. Tinatanong na din niya ko if kumain na ‘ko and pinagbabawalan na din ako magpuyat kaka-ML. I find it so cute and kinikilig ako. Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob para yayain siya lumabas and guess what? Pinagbigyan niya ako! Ganito pala yung feeling ng first date, excited and kabado at the same time puppy love lang kasi naexperience ko dati.
Dumating na nga yung araw ng first date namin, that was the very first time na bumili ako ng bouquet of flowers. Dinala ko siya sa isang mamahaling restaurant na kahit mamahalin, pinag-ipunan ko talaga para sakanya kasi dun siya nasanay. Nagkwentuhan kami, tawanan, getting to know each other. Akala ko magtutuloy-tuloy na yun, hanggang sa makauwi ako ng bahay. Naexcite ako nung biglang nagpop-up yung name, I didn’t expect her message.
“Echo, thank you for this day nag-enjoy ako. But I think this will be our first and last date. Alam mo naman siguro na balak ko mag-law. I think makakasira yun ng image ko if yung partner ko is crew lang ng isang fast food chain. I’m very very sorry Echo.””
***
Source: Facebook