Kinuhang house and lot sa isang subdivision, substandard? May nakitang bote ng softdrinks - The Daily Sentry


Kinuhang house and lot sa isang subdivision, substandard? May nakitang bote ng softdrinks



Viral ngayon ang post ng isang netizen na naglabas ng kanyang sama ng loob laban sa isang developer ng subdivision, ang Lumina Homes sa Tanza, Cavite.
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes

Sa Facebook post ni Lem Quiñosa Reyes, June 2017 umano siya nagsimulang magbayad sa kinuhang bahay. Ang sabi sa kanya ay after 2 years pwede na siyang tumira. Ngunit September 2020 na nung natapos ang pagpapatayo sa kanyang bahay.

June 2017 ko kinuha, na transfer lang sakin nung september 18, 2020,” kwento ni Reyes.

Hindi na ito pinansin ni Reyes dahil ang gusto niya ay maayos na niya ang matitirhan upang makalipat na siya. Ang nakakalungkot ay habang nagwawalis siya ay may bumagsak umanong semento galing sa itaas at pagtingin niya may bote ng softdrinks.

May bumagsak sa paanan ko banda nung nagwawalis ako. Semento galing sa itaas. Pagtingin ko, Bottle of coke!
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes

Galit na galit si Reyes sa kanyang nakita. Agad niyang hinanap ang engineer ng Lumina upang makausap ito ngunit wala raw ito. Kaya nagcomplained na lang si Reyes sa mismong developer.

I trusted LUMINA HOMES kasi “MATIBAY NGA DAW”. (Talaga ba????) tapos instead na sila maghabol sakin because it’s a major complaint. “SAFETY ISSUES”. Wala lang. Nakipag coordinate lang sakin isang tao, Customer representative nila. 3 months na complaint ko, nganga,” sabi ni Reyes.

Ang gusto ni Reyes ay i-refund ang kanyang ibinayad “kasama legal rate and damage fee,” ngunit hindi raw pumayag ang nasabing developer.
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes

Dagdag pa niya, mismong mga kapitbahay niya sa Lumina ay nagsabing may mga kasamang karton ang ginawang semento sa kanilang bahay.

Based sa kapitbahay pa namin sa tanza, kanila nga daw binarena nila, karton karton naman nabarena nila! So meaning may halo yung gawa.”

Sa huli ay sinabi ni Reyes na dapat gibain ang bahay na ginawa para sa kanya dahil delikado ito sa makakakuha at titira.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

“Bahay mo may bote ng coke payag ka ghorl??? 
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes

Okay, kwentuhan muna tayo. 3 years ago nung nagdecide ako kumuha ng bahay sa LUMINA HOMES SA TANZA. SINGLE FIREWALL. Kasi sabi “TOP 1 DEVELOPER”. Syempre excited si ate mo ghorl, Dream ko yarn ehhh. madelay lang bayad, bilis mag penalty!!! so total, may kakayahan na ako bayaran kahit paano. Deferred cash na siya hanggang na fully paid ko. Million yorn. Sabi sakin 2 years lang ready na bahay. June 2017 ko kinuha, na transfer lang sakin nung september 18, 2020. Nung nabigay na sakin susi ko, okay naman sana. Aayusin ko na sana. Kasi ready na ako lipatan. Suddenly, ayan. May natagpuan akong bote ng coke at FYI. WALANG LAMAN! sobra gigil ko that time. May bumagsak sa paanan ko banda nung nagwawalis ako. Semento galing sa itaas. Pagtingin ko, Bottle of coke! (Latent defect) meaning ,not readily observable, Probably wont be found in inspection.KASI NGA INTENTIONALLY YUNG PAGLALAGAY NG BOTE. Hinahanap ko engineer ng Lumina, aba wala! Nag complaint ako sa LUMINA TANZA. Pinadala saakin electricians (may Videos ako ng pinagsasabi ng mga tauhan nila). Maski sila shookt. ““ay sa contractor po kasi yan, PAKYAWAN. Nako! PINALAMANAN NILA NG BOTE NG COKE” grabeee dibaaa???. Major complaint! Safety ng taong titira. I trusted LUMINA HOMES kasi “MATIBAY NGA DAW”. (Talaga ba????) tapos instead na sila maghabol sakin because it’s a major complaint. “SAFETY ISSUES”. Wala lang. Nakipag coordinate lang sakin isang tao, Customer representative nila. 3 months na complaint ko, nganga! I am asking for a full refund, lahat lahat kasama legal rate and damage fee. Then sabi ng legal office na never naman nakipag coordinate sakin after 3 months e hindi ako qualified for any interest! sana pala di na ako kumuha sainyo sinayang ko taon ko sainyo tapos wala naman kwenta gumawa ng bahay. inaksaya niyo pa gasolina ko kakapunta sa bahay na may bote jusmiyo kayo. Tapos chill lang sila nung nag complaint ako 
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes
Photo credit: Lem Quiñosa Reyes

(PHASE 3. BLOCK 7 LOT 17)

Based sa kapitbahay pa namin sa tanza, kanila nga daw binarena nila, karton karton naman nabarena nila! So meaning may halo yung gawa. palamanan niyo pa ng iba’t ibang trip niyo! (Masaklap d nila alam sino nag construct bahay ko). Ang offer e aayusin. E sabi ko gusto ko gibain, aba malay ko kung ilang coke meron diyan. Safety ng titira inaalala ko.

SALAMAT NALANG TALAGA SA LAHAT LUMINA HOMES! Di na kayo makakaulit talaga. Sakalam kayo. Hirap na hirap ako pabalik balik sa office niyo sa Tanza para sa pera ko. Dapat nga ipriority niyo yun. Tsaka dapat ipagiba yan kasi kawawa yung titira. Sa ibang bansa gigibain yang mga ganyang bahay e. PAGIBA NIYO YAN! Tapos aayusin lang at bebenta niyo lang ulit. goodluck. NUMBER 1 PRIORITY NIYO DAPAT “SAFETY””

Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***