Photos courtesy of Facebook @Lpukids Ibike |
Sa kabila ng katandaan na sa buhay, at pagkakaroon pa ng kapansanan ay hindi naging hadlang sa isang lolo na ito na maghanap buhay upang maitaguyod sa kanyang mga mahal sa buhay.
Siya si lolo Alejandro Lebuna Sr., mula sa Sitio Ma-inuswagon, Bolilao, Mandurriao, IloIlo, kahit may banta na dulot ng pandemya ay hindi humihinto sa paghahanap buhay. *
Si lolo Alejandro ay isang Person with Disability (PWD) na patuloy nag-iikot sa kanilang bayan upang mag alok ng kanyang serbisyo gaya ng pag-gugupit ng buhok at pagmamasahe.
Ayon sa kanyang manugang na si Nancy, deaf and mute si lolo Alejandro, maaga pa lamang ay umaalis na ng bahay si lolo alejandro gamit ang kanyang bisekleta upang mag-ikot ikot sa kanilang lugar.
Hindi naging balakid kay lolo Alejandro ang pagiging deaf and mute, na kahit sa edad ng 73 ay patuloy pa rin ito sa pagbabanat ng buto at kumikita siya sa kada gupit ng P100 at P50 naman sa pagmamasahe.
Kasama ni lolo ang kanyang may bahay na si lola Ernestina, 69 years old. Bukod sa pag-aalok ng gupit at masahe, ay nagbebenta rin sila ng kanyang asawa ng mga tanim na halaman at mga alagang bibe. *
Dahil sa paghanga sa kanya ng isang netizen, naisipan nitong ibahagi sa Facebook ang nakaka-inspire na kwento ni lolo Alejandro. Agad itong nagviral at bumuhos ang tulong para kay lolo at sa kanyang pamilya.
Para kay lolo Alejandro, lahat ay kanyang gagawin para maitaguyod at ating pamilya at mabigyan sila ng magandang buhay.
"Bilang magulang, hindi na natin iniisip ang ating mga sarili, dahil ang mahalaga sa atin ay maibigay natin ang pangangailangan ng ating mahal sa buhay," pahayag ni lolo Alejandro.
Dumagsa din ang sari saring tulong kay lolo at sa kanyang pamilya mula sa mga netizens at iba pang may mabubuting puso at mga naantig sa kwento ni lolo Alejandro.
Walang pwedeng maging hadlang sa taong may pagmamahal sa kanyang pamilya, kahit sabihin pang may katandaan na o may kapansanan man ito, mas mahalaga sa kanya ang kapakanan ng kanyang mahal sa buhay at maraming paraan para kumita ng marangal. *