Mabilis na umuusbong ngayon ang community pantry sa ibat-ibang sulok ng bansa. Ito ay patunay na nakakahawa ang kabaitan ng mga Pilipino.
Ang konsepto ng community pantry ay pwedeng ihalintulad sa "give and take" na kung saaan yung mga may kakayahang magdonate ay pwedeng magbigay ng kahit anong items. Yung mga nangangailangan naman ay kukuha ng mga items base sa pangangailangan.
Isang kwentong kabutihan ang ibinahagi ng isang netizen na kung saan isang matanda ang nagdonate ng isang basket ng gulay sa isang community pantry.
Ayon sa nagpost na si Kuya Jude Acepcion, may tanim na gulay si nanay Susan Abrazaldo sa kanyang bakuran sa Villlamin at walang sabi-sabi na ibinigay ang inaning gulay sa community pantry.
Narito ang buong kwento ng netizen na nakasaksi sa kabaitan ni nanay:
Ayoko sana gusto mag post about sa Mobile Kabisig Community Pantry ng aking mha kaibigan na may mabubuting puso kase baka mabash o ma issue lang.
Pero di ko mapigilan na gawin ang post na to upang patunayan na may mga tao parin na kahit anong hirap ay gusto parin magbigay kesa makakuha.
Pakilala ko lang si Nanay Susan Abrazaldo, may tanim sya na mga gulay sa kanyang bakuran, nakita niya kami dito sa Villamin na may Community Pantry, walang sabi sabi daladala niya ang isang basket na gulay upang ipamigay din sa nangangailangan ,💙💙
Isa lang si Nanay na simbolo ng BAYANIHAN AT TULUNGAN. Sa gitna ng pandemya, sana di maging issue ang pagtulong natin sa iba. Mas maraming tumutulong mas marami ang matutulungan na nangangailangan! Saludo ako sayo, Nay! God bless you po.💙💯🙏