Nakakagulat ang pangyayari sa isang isinasagawang kasal sa Suzhou, China matapos madiskubre ng ina ng lalaki na ang pakakasalan nito ay ang kanyang nawawalang anak.
Photo credit: Mashable
Ayon sa mga reports, nagsimula ang lahat ng makita ng ina ni groom ang balat o birthmark sa kamay ng bride.
Ang balat sa kamay ng bride ang palatandaan ng kanyang ina dahil ito lamang ang kanyang alaala matapos silang magkahiwalay ilang taon na ang nakalipas.
Upang mawala ang pagdududa ng ina, naglakas loob siyang tanungin ang mga magulang ng babae: "Did you, by any chance, adopt your daughter?"
Nagulat ang mga magulang ng babae sa kanilang narinig. Wala naman umanong nakakaalam na hindi nila mismong anak ang bride.
Dito na nila sinabi na natagpuan raw nila ang babae sa kalsada mahigit 20-taon na ang nakalipas. Kinupkop at itinuring na umano nila itong tunay na anak.
Matapos ibulgar ng adopted parents ng babae ang buong pangyayari, ang bride at biological mother ay nagyakapan at nag-iyakan.
Photo credit: Mashable
Photo credit: Mashable
Nasaksihan ng mga bisita ang buong pangyayari at maging sila ay hindi napigilang maiyak.
Ngunit mayroon pang isang tanong ang gustong masagot ng bride. Yun ay kung kapatid ba niya ang lalaking kanyang pakakasalan? Matutuloy pa kaya ang kasal?
Laking pasasalamat ng mga ikakasal dahil hindi sila magkapatid.
Ayon sa biological mother ng bride, inampon rin niya ang lalaki matapos siyang mawalan ng pag-asa na mahahanap pa nito ang nawawalang anak.
Ang ibig sabihin ay hindi magkaano-ano ang groom at bride kaya tuloy ang kasal.
Hindi makapaniwala ang mga bisita sa kanilang nasaksihan gayunpaman, mas lalong naging masaya ang selebrasyon sa kasal ng dalawa.
***
Source: Philstar