Photos courtesy of Facebook @CFO PESO SENSE |
Hindi natin masasabi ang takbo ng panahon lalo na ngayong may krisis tayo sa pandemya, o di kaya ay magkaroon ng sakit ang isa sa ating mahal sa buhay o kung kelan dadating ang hindi kanais nais na mga pangyayari.
Dapat na pinaghahandaan ang mga ganitong pagkakataon, kaya malaking bagay para sa isang tao ang magkaroon ng sariling ipon kung saan ay may magagamit tayo sa mga panahong mahigpit ang pangangailangan. *
Mahalaga na marunong tayong maging masinop sa pera at mag-ipon para sa pagdating ng kagipitan ay may mahuhugot tayo. Yung sarili mong pera na hindi mo na kailangan na mangutang pa sa iba at masaklap pa ay may kasama pang interes ang perang hiniram mo sa maikling panahon lamang.
Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang nakaka-inspire na paraan ng pag-iipon sa isang Facebook page na CFO PESO SENSE, kung saan ay tinawag nya itong INVISIBLE 50 ipon challenge.
Marami na ring mga ipon challenge ang lumabas sa social media at lahat ito ay nakaka-inspire tuluran. Ayon sa netizen na ito, na isang may bahay, nagsimula syang mag-ipon nung Disyembre 2020 hanggamg Marso 2021.
Paliwanag nya, tinawag nya itong ‘invisible 50’ kung saan lahat ng P50 bills na mahahawakan nya ay agad nyang inilalagay sa kanyang alkansya at sa loob ng halos tatlong buwan ang umabot sa higit 65K ang kanyang ipon. *
Photos courtesy of Facebook @CFO PESO SENSE |
Bagaman, hindi lang sa P50 ang pwede nating ipunin. Ito ay depende na din kung ano ang napili mong denominasyon. Halimbawa na lamang ay nais mong ipunin lahat ng tig P100 na mahawakan mo, mas mainam ang resulta.
Malaking tulong din umano sa kanya ang pagiging madiskarte sa buhay. Bukod sa nabanggit, maraming syang pinagkakakitaan gaya ng maliit na tindahan, pagiging online seller, ukay ukay, bukod sa negosyong pahulugan at iba pang pwedeng pagkakitaan.
Para sa wais na misis na ito, hindi siya takot na pasukin ang ano mang raket na pwedeng mapagkakakitaan kahit maliit lamang ang kita ay hindi sya namimili.
Nagsilbing inspirasyon ng netizen na ito ang kanyang mga pangarap sa buhay na nais nya makamit. Dahil dito, marami na syang naipundar na gamit gaya ng secondhand na sasakyan, motor at e-bike. *
Photos courtesy of Facebook @CFO PESO SENSE |
Maraming pa syang pangarap sa buhay, sa katunayan ang susunod naman daw nyang pag-iipunan ay ang makapagpatayo na nga sarili nilang bahay. Kaya naman lahat ng maisip nyang pwedeng pagkakitaan ay sinusubukan nya.
Kinagiliwan ng mga netizen ang post nyang ito at talaga namang nakaka engganyong gayahin. Narito ang kabuuan ng kanyang post.
"#PesoSenseIponChallenge
From Dec. 2020 to march 2021
3months ipon 65k+++ invisible 50
Na deposit q nrin pla ung 50k ung 10k dinagdag q pangbili paninda at ung iba bbgay q s nanay q mag bbirthday.
P.s Awttts un na nga dami na ayaw maniwala panu maka ipon nyan in just 3 months sa totoo lang di lang yan ipon nmin. sa 3 months kasi lahat ng 50 lang yan may savings din kami sa coop na weekly naghuhulog ako kahit magkano (oh mayabang na) Manuela ka lang sa sarili mo at mag sumikap kayang kaya Yan.*
Photos courtesy of Facebook @CFO PESO SENSE |
Jan nman sa 50 bsta alhat nhawakan ko 50 tabi ko agad benta s tindahan hulog skin sukli o pabarya p yan dko n bnibilang kng mgkno nllgay ko sa isang araw kya nga invisible 50 khit damay na minsan puhunan.
May maliit n sarisari store
Online seller
Nagpapahulugan
At kng anong raket n pede pagkakitaan.
Mraming pangarap sa buhay kaya kahit anong pede pag kakitaan go lang... Kng ano pumapasok s isip KO ebebenta go ako.kc kng dka susugal pra sa pag nenegosyo di mo malalaman kng talo o panalo ka.. Ukay ukay, bigas, plastic ware, itlog, kahit ano... Di ako mapakali pag wala ako income maliban sa sari sari store kong maliit. kuripot din daw ako.
Regular asawa ko sa work kya ung kita ko dna ngagalaw kc ung pang gastos namin un sahod niya.
Nakapundar nrin pala kmi ng sasakyan 2ndhand na kotse, motor at e bike na malaking tulong sakin... Nakakabili ng mga gamit na noon ay pinapangarap ko lang... Sa ngaun pangarap ko naman magkaroon ng sariling bahay.
Pang 4th post ko na siguro dto. I hope next post ko dito nkabili na ako ng lote at nkapag pagawa ng kahit maliit na bahay.
Pang palakas loob sa mga nawawalan ng pag asa. salamat PESO SENSE"