Dating empleyado na piniling magbenta ng kape sa kalsada, patok at dinadayo ngayon lalo ng mga siklista. - The Daily Sentry


Dating empleyado na piniling magbenta ng kape sa kalsada, patok at dinadayo ngayon lalo ng mga siklista.



Tampok sa post ng Facebook page na Mobile in MNL ang isang kwento ng taong sinubukang magtayo ng maliit na negosyo dahil sa sangkatutak na kapeng ibinigay sa kanya ng kanyang kliyente.

Ayon sa post, ang bida sa kwento ay isa umanong Head ng IT na ayaw ng bumalik pang muli sa pagiging empleyado.




Bukod dun ay isa rin siyang photographer at nang isang beses ay nagkaroon siya ng kliyente upang kuhanan ng litrato ang kanilang mga kape ay binigyan siya nito ng kanilang produkto.

“Ayaw ko nang bumalik sa pagiging corporate slave. Head ng IT ako dati pero nagsimula ako magbenta online. Photographer din ako, tapos may client ako na nagpa-product shoot na coffee. Binigyan ako ng napakaraming kape, so nagamoy coffee buong bahay namin.

Dahil sa napuna niya na hindi nakakasawa ang amoy ng kape, dito na niya naisipang magsimula magnegosyo at magbenta ng mga ito.

Naging inspirasyon niya ang The Coffee Mobile sa Davao na nagbebenta ng kape gamit ang motorsiklo.

Hindi naging madali ang kanyang panimula, sa loob nang unang dalawang linggo ay 2 lang ang kanyang naibenta.

Mobile in MNL | Facebook

"Una, sinubukan ko sa Marcos Highway. First two weeks ko, wala akong sales. Ang bumili lang sa’kin, dalawa: kapatid ko, tsaka isang kaibigan ko. Tapos pinaalis ako ng guard do’n. So tinry ko sa ilalim ng tulay, tapos pinalipat ako ng guard dito."

Ngunit di kalaunan ay naging matagumpay din ang kanyang negosyo at sa ngayon ay marami na siyang katuwang sa pagbebenta dahil na rin sa itinatag niyang komunidad na pinangalanang "City Boy Crew"

Mobile in MNL | Facebook


Mobile in MNL | Facebook


"Dati, ako lang vendor dito. Ta’s no’ng nag-start ako, do’n na nagsulputan. Then gumawa ako ng community – City Boy Crew. Ngayon may shawarma na kami, tapos ‘yung nagba-busk."

"Araw-araw, may dala akong thermos, water container, coffee equipment, tapos mga baso. May payong narin ako just in case umulan. Kasi naranasan ko dati, wala akong payong, tapos ‘yung ulan, pumupunta sa kape."

Mobile in MNL | Facebook

Cityboy Brew | Facebook

Patuloy na dumarami at paulit-ulit na dinadayo ng mga customer ang kanyang kapihan at ayon sa kanya, Lattê ang pinakamabili sa kanyang mga produkto.

Dahil na rin sa patuloy na paglago ng kanyang negosyo, ay nakapagpundar na siya ng isa pang bike at trailer para dito.

Bukod sa hindi inaasahang mabilis na paglago ng kanyang simpleng tindahan, ay kaliwa't kanan na rin ang natatangap niyang alok para mag prangkisa nito.

Cityboy Brew | Facebook


Cityboy Brew | Facebook

"Ang nakakaoverwhelm: dinadayo ako ng mga taga Laguna, Cavite. May grupo na naka-motor galing sa Nueva Ecija. Hindi ko alam na magiging ganito. Kala ko talaga magiging simpleng vendor lang sa street. ‘Yon ‘yong mangyayari. Ngayon nakabili na ako ng isa pang bike, tapos trailer."

"Ngayon, sobrang daming nagmemessage na mag-franchise. Di ko pa alam pano sisimulan at pinagaaralan namin kung pa’no siya.”

Cityboy Brew | Facebook


Cityboy Brew | Facebook


Sadyang nakakamangha ang mga kwento ng pagsisikap lalo na sa sitwasyon natin ngayon. Samahan lang ng sipag at tiyaga ay talagang magbubunga ang lahat ng iyong sakripïsyo at paghïhïrap.

Nawa'y maging inspirasyon ang kwentong ito, para sa lahat ng mga nagbabalak maging negosyante.


Mobile in MNL | Facebook

Cityboy Brew | Facebook

Cityboy Brew | Facebook

Source: Mobile in MNL