Sabi nga nila, kung sino pa ang walang wala, sila pa ang marunong magbigay.
Ito ang pinatunayan ng isang bata mula sa Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro, matapos niyang magbigay ng kalahating sako ng kamote para sa ilulunsad na community pantry sa kanilang lugar.
Ayon sa Facebook post ni John Cristopher Lara, miyembro ng isang non-government organization, nag-donate si Don Don Sinagmayon o mas kilalang Ornelo, 9-year-old ng kalahating sako ng kamote matapos niyang malaman na magsasagawa ng community pantry ang kanilang lugar.
“Matapos i-anunsyo ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan ang aming isinasagawang community pantry at sabihin na maaari silang magbigay ng mga pagkain para makatulong sa iba, lumapit siya sa amin at inabot ang halos kalahating sako ng kamote. Bigay raw ito ng kanilang pamilya,” sabi ni Lara.
Nagbigay rin ang Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan kay Ornelo ng ilang items mula sa pantry.
“Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong,” sabi ni Lara.
Sa ngayon ay umabot na sa 4.3k reactions at 1.4k shares ang post ni Lara.
Sa isa pang post ng netizen, sinabi nito na marami ang na-touch sa kwento ni Ornelo kaya naman pagkakalooban nila ito ng full scholarship.
Don Don Sinagmayon / Photo credit: John Cristopher Lara
Don Don Sinagmayon / Photo credit: John Cristopher Lara
“Masaya daw siya at matutupad na ang pangarap niyang maging 'sir' o guro. Nakakatuwa pa dahil muli silang nagbigay ng mga kamote para sa Occidental Mindoro Community Pantry na Ngayon ay On Wheels na,” sabi ni Lara.
“Ayon naman sa kanilang kapitbahay, mabuting bata daw talaga si Don Don at kahit sila ay binibigyan nito ng kamote o mga huli nitong isda galing sa ilog. Siya rin daw ang naaasahan ng nanay niya sa bahay nila habang nagtratrabaho ang kuya at papa niya lalo na noong nagkasakit ito matapos ma-ceasarean,” dagdag nito.
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: John Christopher Lara | Facebook