Babae, huling ibinebenta online ang gamit na nalikom mula sa mga hiningi niyang donasyon. - The Daily Sentry


Babae, huling ibinebenta online ang gamit na nalikom mula sa mga hiningi niyang donasyon.



Kahapon lang ay isang concerned citizen ng Pandacan, Manila ang nagpost sa Facebook page na TAGA PANDACAN AKO... (TPA) ukol sa babaeng nanghihingi ng donasyon at matapos ay ibebenta din ito online.

Ayon kay Meanne Hermosa Abuyo, isang babaeng nagngangalang Kitkat sa Facebook ang nahuli niyang ibinebenta ang sapatos na i-dinonate ng kakilala niya para sa tulong na hinihingi ng babaeng ito.


Meanne Hermosa Abuyo | Facebook


Sa panahon ngayon at dahil sa nararanasan na kahirap@n ng ilan nating mga kababayan ay kaliwa't kanan ang mga programa upang makatulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman napakarami rin ang taos pusong nagbibigay ng kung ano pa man ang nasa abot ng kanilang makakaya. Mapa-gamit man ito, pera o pagkain at groceries.

Ganun na lang ang bab@la at pagpapaalala sa post ni Meanne sa kanyang Facebook post ng malaman ang ginagawang ito nang nasabing si Kitkat.

Ayon sa kanilang paguusap, ang ibang nakuhang donasyon na nakuha niya gaya ng mga lumang damit ay itinapon na nito at ginawang basahan.

Bagay na kinagalit naman ni Meanne dahil kung sa tingin aniya nito ay parang basahan na ang mga damit na natanggap ay sana ibinalik na lang niya ito.

Meanne Hermosa Abuyo | Facebook


Inangkin naman ni Kitkat ang ibang gamit na kanyang binebenta online maliban sa sapatos na kilala di umano ni Meanne kung sino ang may ari, kaya naman nasabi ng online seller na ibabalik na lang niya ito sabay hingi ng pasensya sa kanyang nagawa.

Matapos ang kanilang diskusyon aykasalukuyang hindi na ma-contact ni Meanne si Kitkat dahil sa pag-block nito sa kanya.

Narito ang kanilang pag-uusap:

Meanne Hermosa Abuyo | Facebook

Meanne Hermosa Abuyo | Facebook



Meanne Hermosa Abuyo | Facebook

Meanne Hermosa Abuyo | Facebook

Meanne Hermosa Abuyo | Facebook


Maging mapanuri po sana tayo sa ating mga gustong tulungan upang matiyak na ang ating nakayanang ibigay ay siguradong mapupunta sa mga taong nangangailangan.