Ang mga aso ay tinaguriang "Man's best friend" dahil sa reputasyon nitong pagiging tapat sa kanilang mga amo. Hindi na nga mabilang ang mga balita na pinagbidahan ng mga ito. Tila ang mga aso ay maituturing na bayani sa kanilang sariling mga pamamaraan.
Dumadating pa nga sa pagkakataon na ibinubuwis nila ang kanilang mga buhay para sa kanilang mga amo.
Imahe mula gtgoodtimes.com
Tulad na lamang ng asong ito mula sa Merauke, Indonesia.
Kwento ng amo niya na si Achy Wijaya, isang gabi ay hindi tumitigil sa pagkahol ang kaniyang alagang aso. Na tila ba ito ay nagbababala at gusto siyang magising mula sa pagkakatulog.
Ngunit hindi ito pinansin ni Wijaya, inisip niya na baka may nakita lang ito na pusa o kung ano mang hayop.
Pero ng dahil sa walang tigil na pagkahol ng kanyang alaga ay naitaboy na pala nito ang mga masasamang loob na gustong pagnakawan ang kanilang tirahan.
Nakabalik sa pagtulog si Wijaya ng kalaunan ay tumigil din ang kayang aso sa pagkahol.
Kinabukasan, laking pagtataka niya na lang na walang sumalubong sa kaniya pag labas niya ng bahay. Nagulat na lamang ito ng matagpuan ang kanyang pinakamamahal na alaga na nakahandusay sa sahig at nag aagaw buhay habang lumuluha ang mata.
Imahe mula gtgoodtimes.com
Ayon kay Wijaya, nalaman na lang nila nung lumabas sila ng bahay na ang kanilang aso ay nilås0n ng mga walang pusong magnanakaw.
Sinabi pa ni Wijaya na nais nilang dalhin ang aso sa gamutan pang hayop ngunit sa kasamaang palad, sarado ang mga ito dahil araw ng Linggo ng maganap ang malungkot na pangyayari.
Sinubukan nilang gumawa ng paraan upang labanan ang lås0n sa katawan ng aso gaya ng pagpapainom dito ng gatas ngunit sila ay nabigo.
Imahe mula gtgoodtimes.com
Bagama't labag sa kanilang kalooban at hindi nila tanggap ang nangyari, noong araw din na iyon ay binawian ng buhay at nilibing nila ang bayaning alaga sa kanilang bakuran.
Maaaring nawala siya sa kanilang mga piling ngunit ang kanyang mga alaala at ang kabayanihang ginawa niya ay tiyak na maaalala magpakailanman.
Imahe mula gtgoodtimes.com
Panuorin ang kanyang mga huling sandali sa videong ito: