90-anyos na lolang salat sa pagkain at tulong. Pilit na itinatawid ang pangaraw-araw na buhay. - The Daily Sentry


90-anyos na lolang salat sa pagkain at tulong. Pilit na itinatawid ang pangaraw-araw na buhay.



Isang Facebook post ngayon ang pumupukaw sa damdamin ng mga netizen dahil sa isang lola, na sa edad na 90 years old ay pilit na lumalaban sa hamon ng kahirapan.

Ayon sa post ni Jun Butac, ang lola ay kilala bilang si lola Lucin o Lucena Barangay Damiano na taga Maananteng Solsona Ilocos Norte.


Jun Butac | Facebook


Dahil sa pag aalala ni Jun ay kinuhanan niya ng litrato ang lola at ibinahagi ang kalgayan nito sa mga netizen upang mabigyan ng tulong.

Nasabi nito sa kanyang post na ang kwento sa likod ng mga larawan, na dahil sa hirap ng buhay nito, ay tanging tagapulot o kilala din na sinaklob ang ulam nito at pinagkakasya lamang o tinitipid ang kung ano mang tulong ang ipaabot sa kanya.

Jun Butac | Facebook

Jun Butac | Facebook


Walang nabanggit kung meron mang kamag anak si lola Lucin at kapansin pansin din sa larawan na mag isa lang ito sa sa buhay at sa kanyang tinitirhan.

Mabilis na kumalat at nabalitaan ang sitwasyong ito ni lola Lucin sa tulong ng Facebook post ni Jun.

Kaya naman ayon Solsona Mps ay isang Maam Rona mula Pasuquin, Ilocos Norte ang kanilang sinamahan upang matunton si lola Lucin.

Solsona Mps | Facebook

Solsona Mps | Facebook


Personal na nag abot ito ng kanyang tulong, na siyang nagbigay ngiti sa mukha ng kawawang matanda.