Netizen nanawagan na suportahan ang matandang nagtitinda ng mga bulaklak na gawa sa bote ng softdrinks - The Daily Sentry


Netizen nanawagan na suportahan ang matandang nagtitinda ng mga bulaklak na gawa sa bote ng softdrinks



Kahit na may kinakaharap na krisis ang ating bansa dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang pakikipaglaban natin sa buhay. Hindi tayo maaaring tumigil o huminto dahil may mga pamilya tayong umaasa sa atin.
Manong Michael / Photo credit: Vella Tacusalme

Kahit anong klase ng trabaho o diskarte sa buhay ay gagawin natin para may maipang-tustos tayo sa pang araw-araw na pangangailangan.

Katulad na lamang ng isang matandang lalaki mula sa Tarlac City kung saan nagtitinda ito ng mga bulaklak na gawa sa plastic bottles ng softdrinks.

Sa Facebook post ng netizen na si Vella Tacusalme, ibinahagi nito ang mga larawan ni Manong Michael kasama ang mga gawa nitong paninda.
Manong Michael / Photo credit: Vella Tacusalme
Photo credit: Vella Tacusalme

Kwento ni Vella, naglalakad na silang pauwi ng mapansin nila ang matandang lalaki na “matiyagang naghihintay na may makapansin at bumili ng kanyang mga tinda.”

Ayon kay Vella, kahit isa raw ay wala man lang lumalapit o bumibili kay Manong Michael kaya naman siya nalang ang bumili.

Aniya, alam niyang hindi sapat na tulong ang kanyang mga binili ngunit naisipan niya itong ipost sa social media na baka sakali ay may mga makatulong sa matanda.
Manong Michael / Photo credit: Vella Tacusalme
Manong Michael / Photo credit: Vella Tacusalme

bumili kami ng iilan sa kanyang gawa pero alam ko hindi yun sapat kaya naman sa simpleng post na to ay naisipan kong tulungan siya.”

Narito ang buong post ni Vella:

“SUPPORT SMALL BUSINESS!!!

Magandang Araw mga taga Tarlaqueño!!

Share ko lang habang naglalakad kami pauwe ng ate ko Dafny may napansin kaming isang matandang lalaki na matiyagang naghihintay na may makapansin at bumili ng kanyang mga tinda ngunit wala ni isang lumalapit sa kanya kaya naisipan naming magtanong kung ano ang mga binebenta nito na kulay NEON!! Kaya bumili kami ng iilan sa kanyang gawa pero alam ko hindi yun sapat kaya naman sa simpleng post na to ay naisipan kong tulungan siya. 
Manong Michael / Photo credit: Vella Tacusalme
Photo credit: Vella Tacusalme

Ito si Manong Michael na nagbebenta ng kanyang sariling likha na gamit ang mga bote ng softdrinks dahil sa kanyang malikhaing isip nakabuo siya ng pwedeng pagkakitaan sa gitna ng pandemya at pinangalanan niyan OAO business stands for ONE AND ONLY!! 

Name: Michael

Location: Tarlac West Central Elementary School (San Roque Tarlac City)”
Photo credit: Vella Tacusalme
Photo credit: Vella Tacusalme
Photo credit: Vella Tacusalme
 Photo credit: Vella Tacusalme
Photo credit: Vella Tacusalme
 Photo credit: Vella Tacusalme


***