Musical conductor noon food delivery service rider ngayon dahil sa pandemya - The Daily Sentry


Musical conductor noon food delivery service rider ngayon dahil sa pandemya



Photo courtesy of Facebook @Chiya Amos and Reuters



Isang taon nang magsimula ang pandemya, Marami sa atin ang labis na naapektuhan ng pagsasara ng iba't-ibang sanghay ng kalakaran, marami sa atin ang nawalan ng trabaho, di lamang dito sa ating bansa maging sa buong mundo.


Bawat isa siguro sa atin ay may kanya-kanya kwento ng pakikipagsapalaran matapos mahinto ang kanilang mga trabaho.*



Isa na rito si Chiya Amos, 31 years old, isang Singaporean at nagtatrabaho bilang classical conductor sa mga musical orchestra at ballet shows sa bansang Russia.


Kabilang si Chiya, sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Matapos ang 10 buwan na walang trabaho ay napilitan na itong umuwi ng Singapore upang dito na lang muling manirahan.


Pinasok ni Chiya ang food delivery service gamit ang kanyang bisekleta at sa loob ng 12 na oras ng paghahatid ng mga orders na pagkain sa kanyang mga cusotmers ay nakakaraos naman siya sa pang araw araw na kinikita.


Bagama't malayo ito sa glamoroso nyang trabaho bilang musical conductor noon, na kahit na mainit, mas nakaka pagod at mas mahabang oras kang nagta trabaho bilang food delivery service at maayos naman ang kanyang kinikita. *




Photo courtesy of  Reuters



Dagdag pa nito, mahirap din ang maghanap ng trabaho bilang musikero sa Singapore. Sa katunayan, mahigit 40 beses na syang nag-apply ng trabaho mula pa noong Enero ngunit wala ni isang tumanggap sa kanya.


“Many of us musicians are still out of a job, we are sort of displaced. I’ve applied for more than 40 jobs since last January, but I haven’t heard from most of them.” paliwanag ni Chiya.


Pansamantala, tiis muna sa pagpapadyak at pagdedeliver ng mga pagkain, sinasabayan din nya ito ng pakikinig ng mga paborito nyang symphonic orchestra pieces habang papunta sa kanyang mga customers, na kadalasan ay nakaka-30 deliveries sya kada araw.


Maganda naman ang kitataan sa food delivery service aniya,  ngunit iba pa rin ang trabaho sa entablado kaharap ang maraming tao na nakagawian nya. *



Photo courtesy of  Reuters


“I miss being on stage. Of course, I miss collaborating with people, I miss waving my hands and making magic music,” dagdag pa ni Chiya.


Para sa kanya, may pagkakahalintulad ang ang trabaho nya bilang food delivery rider at bilang musical conductor sa mga musical operas:


“We bring food to people, we bring sustenance to people. And as a conductor, we work with orchestras to bring sustenance to the soul and the mind.” anito.


Umaasa ang 31 year old na musical conductor na ito na muli ng magbabalik ang kanilang mga shows ngayong mayroon ng mga bakuna laban sa coronavirus. Higit sa lahat at muli nya ng makakapiling ang kanyang asawa na pansamantalang naiwan sa Russia.



Sa katunayan mayroon syang naka schedule na show sa darating na Abril para sa Tokyo’s Spring Festival. Para kay Chiya mas naging mature pa ang kanyang pananaw sa buhay dahil sa mga karanasan sa pandemyang ito.


“I conduct a lot of Verdi. There’s a lot of tragedy in it, and I think this experience sort of hardens me and I’m able to express my emotions better. I feel like I’ve matured a few years, even though it’s only been a year.” dagdag pa nito. *