Lalaki sa Cotabato, higit isang taon nang may nakatarak na kutsilyo sa dibdib - The Daily Sentry


Lalaki sa Cotabato, higit isang taon nang may nakatarak na kutsilyo sa dibdib




Kahindik-hindik ang sinapit ng isang lalaki sa Cotabato matapos nitong walang kaalam-alam na dalhin nang higit na sa isang taon ang kutsilyo na nakatarak sa kanyang dibdib. Ayon ito sa isang ulat na nagdetalye ng isang pambihirang pangyayari. 



Hindi inakala ni Kent Ryan Tomao ang kanyang nalaman nang sya ay magpa X-ray. Base sa X-ray result ni Tomao, may kutsilyo sa dibdib ang walang kamalay-malay na lalaki. 


Aniya, “Sabi ng doktor, dapat makuha na agad kasi malapit ‘yong kutsilyo sa lungs, delikado po."


Nasaksak umano si Tomao ng grupo ng isang binatilyo sa North Cotabato noong Enero ng 2020. Ngunit nang isugod sya sa ospital ay agad umanong tinahi ang kanyang sugat na wala man lang ginawang ibang test ang doctor at nurse para masuring mabuti.


Labing-apat na buwan nang iniinda ng lalaki sa kanyang dibdib ang naturang kutsilyo. Kwento nya, sumasakit raw ang parte ng nasabing sugat ngunit binalewala lang raw niya ito.


Binabalak umano ni Tomao na muling bumalik  sa North Cotabato Provincial Hospital upang ipatanggal ang kutsilyo.