Kwento ng sakripisyo at pagpupursigi, dating delivery rider at fastfood crew noon, isang alagad ng batas na ngayon - The Daily Sentry


Kwento ng sakripisyo at pagpupursigi, dating delivery rider at fastfood crew noon, isang alagad ng batas na ngayon




Photos courtesy of Facebook page @Tambayan NG PULIS


Hindi naging hadlang ang pagiging mahirap ang buhay at kawalan ng pera sa taong nais maabot ang pangarap. Ito ang naging dahilan ng pagpupursige sa buhay ng isang dating delivery rider at fast food crew upang mapag tapos sa pag aaral ang sarili at maging isang ganap na alagad ng batas. *


Ibinahagi ni  Renx Francisco Ramos sa Facebook page na Tambayan NG PULIS, ang kanyang mga naging karanasan bago nya pa maabot ang kanyang mga pangarap na maging isang pulis. 



Bagaman lumaki sa hirap at mula sa isang kayod, isang tuka ang pamilya ni Renx. Ipinangako nya sa kanyang sarili na isasa katuparan nya ang kanyang pangarap ng maging isang alagad ng batas at makatulong sa kanyang mga mahal sa buhay.


Ayon sa post ni Renx, “HUWAG TUMIGIL NA ABUTIN ANG PANGARAP! Working student ako sa Jollibee. Pinagtapos ko ang sarili ko at nag delivery food rider muna ako habang naghihintay ng quota sa PNP at sa wakas, naabot ko na pangarap ko.”


Naniniwala din sya sa kasabihang, “Successful men and women keep moving. They make mistakes, but they don’t quit.”  *


Photos courtesy of Facebook page @Tambayan NG PULIS


Ibinahagi pa nito sa kanyang post ang kanyang buong pangalan at ang batch na kanyang kinabibilangan, “Renx Francisco D. Ramos PNP-AVSEGROUP CLASS 2020-02 “ALAB BALASIK”.



Tunay na nakaka-inspire ang kwentong ito ni Renx, at nagbigay naman ng paghangan ang mga netizens sa social media at mayroon na itong mahigit na 8,100 na reaksyon at 2,800 naman ang nagbahagi sa social media. Napaabot din ng kanilang mga paghanga at komento sa baguhang pulis, narito ang ilan:


"Congrats be humble lagyan mo ng dignidad at prinsipyo ang sarili mo para di ka maligaw ang landas..." sabi ng isang netizen.


“Congrats sa’yo, sir, at nawa’y maging mabuti kang alagad ng batas, isa kang napakagandang inspirasyon para sa mga mag-aaral. Lagi lang mag-ingat, alagaan ang kalusugan. Patnubayan ka ng Diyos.”



"Good job salute sayo sir sana wag mo abusuhin ang trabaho mo bilang police." ani naman ng isang nagkomento. *

Photos courtesy of Facebook page @Tambayan NG PULIS