Photo courtesy of Facebook @John Ebreo |
Hindi biro ang magtrabaho bilang isang cook sa barko, bukod sa nakakalungkot isipin na nasa gitna kayo ng karagatan, ay malayo ka pa sa iyong mga mahal sa buhay.
Bagaman malaki ang sinasahod ng mga nagtatrabaho sa barko gaya ng pagiging seaman at iba pang crew ng isang barko kaya kahit maraming balakid, ay tinatanggap ng ating mga kababayan ang trabahong ito. *
Ngunit sa kabilang banda, kapag natatapos na ang kanilang kontrata, wala na rin silang kita. Kaya naman kailangan ang diskarte at disiplina sa pag-iipon upang may pangtustos pa rin sa pamilya habang naka bakasyon.
Ibinahagi ng ating kababayang si John Ebreo ang kanyang kwento ng tagumpay bilang isang kusinero sa barko at ngayon ay nakapagpundar na siya ng gasoline station sa probinsya ng Quezon.
Ayon kay John Ebreo, 26 na taong gulang mula Sariaya, Quezon, isa syang cook ng barko at sa loob ng anim na buwan na pagta-trabaho dito, ay nakapagpundar sya ng sarili nyang gasolinahan bunga ng sipag at tiyaga.
Taong May 2020, nang magbukas ang kanyang gasolinahan sa gitna ng krisis sa pandemya. Lakas loob nyang binuksan ang gasolinahan sa tulong na din ng kanyang mga magulang. *
Ibinenta man ng kanyang ama ang sasakyan nito upang maidagdag sa pagpapatayo ng negosyo, napalitan naman niya agad ito ng bago
Kaya naman ng makauwi siya sa bansa, mayroon siyang pinagkakaabalahan kahit pa may pandemya. Siya na rin ang nagiging pump boy sa tuwing naka-day off sa kanyang mga tauhan.
“Mahirap po kasi sa isang seaman kung walang investment sa Pinas lalo na pag nasa bakasyon kasi puro palabas ang pera dahil sa dami ng trainings at requirements na kailangan ayusin. Maganda na ‘yung may income kahit nakabakasyon,” kwento pa ni John.
Mahalaga raw talaga lalo na sa OFW na katulad nya ang pag-iipon habang bata pa dahil hindi raw habambuhay ang pagbabarko at hindi lahat ng oras ay dumarating ang kontrata.
Dagdag pa ni John, nakuha daw niya sa kanyang mga magulang ang pagiging madiskarte sa buhay kaya nagpapasalamat siya sa mga pangaral ng mga ito sa kanya. *
Malaki din ang naging tulong ng kanyang mga magulang para maipatayo ang kanyang gasoline station. Ibinenta umano ng kanyang ama ang sasakyan nito noong Abril 2020 upang pandagdag sa pagpapatayo ng gas station.
Sa kabila nito, nangako naman si John na reregaluhan niya ng bagong sasakyan ang ama sa ika-60th na kaarawan nito sa darating na 2022.
At dahil sa sinuwerte nga ang kanyang gas station, hindi na nya hinintay pa ang 2022 at agad na bumili siya ng bagong sasakyan at iniregalo na niya agad ito noong nakaraang taon.
Nais ni John na ibahagi sa social media ang kanyang tagumpay hindi para ipagmayabang kundi para magbigay ng inspirasyon sa iba lalo na sa mga OFW, na posibleng makapagpatayo ng negosyong pagkakakitaan kapag may disiplina lang sa pag-iipon.
Dagdag pa ni John, walang may gusto na habambuhay malayo sa pamilya kapalit ng magandang trabaho. Ani pa nya, huwag din nating hayaang napupunta lang sa mga luho ang perang pinaghihirapan. Habang maaga, sanayin na ang sarili na mag-ipon at mamuhunan sa negosyo.
Kinagiliwan naman ng mga netizens ang kwentong tagumpay na ito ni John, at labis ang kanilang paghanaga sa binata dahil sa diskarte at disiplina nito sa paghawak ng pera. *