Viral ngayon ang Facebook post ng netizen na si Joana Claire kung saan ibinahagi nito ang pagkuwestiyon at pangangaral ng isang lalaki sa babaeng nagbuntis ngayong pandemya.
Sa mga screenshot na ibinahagi ni Claire, makikita ang isang larawan ng ultrasound kung saan nagkomento si Ryan Joseph Montenegro ng “"Hala, why now? pandemic pa!"
May mga nagulat sa komento ni Ryan at hindi nila inaasahan ng mas lalo pa nitong panindigan ang kanyang pananaw.
Ayon kay Ryan, mahirap daw ang sitwasyon ng buong mundo at napakagastos raw ang manganak ngayon.
“Mahal pa naman ang manganak ngayon. Maghahanap ka pa ng birthing center dahil delikado sa ospital. Few days before labor, required ka magpaswab test (pati mister mo kung kasama sa magpapaanak). Kasama din sa gastusin mo yung PPE ng mga magpapaanak sayo,” komento ni Ryan.
“It's risky! would you want your child na ipanganak sa magulong mundo?" dagdag ni Ryan.
May mga nagtanggol sa buntis ngunit mas lalo pang dinepensahan ni Ryan ang kanyang katwiran.
“A lot of people are suffering. Maraming nawalan ng trabaho. Maraming nagugutom. Over populated na ang Pilipinas. This is not a good time na magdagdag,” pahayag niya.
Sinagot naman siya ng isang netizen na huwag makialam dahil hindi naman ito ang gagastos sa panganganak ng babae.
“Bkit nakikialam ka sa buhay nila! Humihingi ba sila sa yo ng gastusin nila sa panganganak nya? Ano sanang pakialam mo eh ngayon sila binigyan ng Dios ng anak? Mind your own business mr. Montenegro,” sabi ng isang netizen.
Ngunit nanindigan pa rin talaga si Ryan sa kanyang opinyon.
"My opinion is firm, marami ang naghihirap ngayon at isa sa malaking issue ngayon ang overpopulation. Nothing against them, but in general people may question "bakit hindi sila nag-antay na matapos ang pandemic bago sila nag-anak?"
"The mere fact that they share their life in social media would make them vulnerable to people who are about to give their personal opinion.”
“Look, anjan na yan. Ano pa bang magagawa natin? Sana lang maalagaan nila ng mabuti ang sanggol at mailayo sa kapahamakan. Kasi kung iisipin mo, bukod sa unstable ang kalagayan ng kalusugan di lang sa Pilipinas pati na din sa buong mundo, anjan na din yung financial stability na in question ngayon.”
"My take on this, kung mahal mo ang iyong anak, bakit mo siya ipanganganak sa magulong mundo? Bakit mo siya ipanganganak sa panahon na nagdurusa ang mga tao sa kinahaharap na pandemya? Bakit mo sya ipapanganak sa panahon na kahit ang bakuna di mo pa malaman kung ligtas at garantisado?”
“Yes, I am not the person to finance on that child. Pero ano nalang mangyayari satin kung lahat ng tao anak ng anak? Ngayon ay nagkukulang na tayo sa pagkain. Pati ang ayuda kulang sa dami ng aayudahan.”
“Uulitin ko, THIS IS IN GENERAL! Hindi ko sinabing kasalanan magkaroon ng anak. Ngunit nakakapagantay yan.”
“Ipinanganak mo sya sa panahong malaya sya makakatakbo at makakapaglaro sa labas na walang alinlangang mapahamak sya. Ipanganak mo sya sa panahong maunlad ang bansa at di nya dadanasin ang hirap.”
“Handa akong makipagtalakayan at ipagtanggol ang aking paniniwala if this will help many people survive this harsh world.” huling komento ni Ryan.
Sumagot na rin ang buntis at binatikos si Ryan.
“Saka kana magsalita kung ikaw nagpapakain sa pamilya ko. Kaya manahimik kana dyan. Hindi ka nakakatulong sa ginagawa mo. Masyado kang bida bida. Sinasabi ko sayo isang comment pa. Wala akong paki sa mga sinasabi mo. Wala kang naitutulong sa mga sinasabi mo,” sabi ng buntis.
***
Source: Joana Claire | Facebook